Magkakaiba ang pagpopondo ng bawat programa. Nakakatanggap kami ng buwanang bayad mula sa bawat nakatalang miyembro ng Medi-Cal, at sa pamahalaan ng Lungsod at pederal na pamahalaan para sa mga miyembro ng Healthy Workers HMO. Bukod sa libreng Medi-Cal, nag-aambag ang mga miyembro sa gastos ng kanilang insurance sa pamamagitan ng mga maliit na buwanan o taunang pagbabayad, at murang co-pay para sa ilang partikular na medikal na serbisyo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano pinopondohan ang mga programa ng San Francisco Health Plan, mag-click dito.
Isa kaming entidad sa pamamahala. Sa unang bahagi ng 1990s, pinahintulutan ng Estado ang mga county na gumawa ng sarili nilang HMOs. Noong 1994, binuo ng Lungsod ang San Francisco Health Authority, na nagpapatakbo ngayon sa San Francisco Health Plan. Bagama’t malapit kaming nakikipagtulungan sa San Francisco Department of Public Health, hiwalay kami sa Lungsod. Wala kaming access sa kabang-yaman ng Lungsod at hindi kami bahagi ng istruktura ng organisasyon ng Lungsod. Sa halip, nag-uulat kami sa sarili naming Nangangasiwang Lupon. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng San Francisco Health Plan, mag-click dito.
May 19 na puwesto sa aming Nangangasiwang Lupon, nakareserba ang bawat isa sa mga iyon para sa isang taong kumakatawan sa isang partikular na grupo sa San Francisco. Halimbawa, ang ilang grupong kinakatawan dito ay; ang San Francisco Department of Public Health, ang Unibersidad ng California, ang Lupon ng Mga Superbisor at ang Alkalde, gayundin ang mga kinatawan mula sa aming mga pangunahing medikal na grupo. Bukas sa publiko ang lahat ng pulong ng Nangangasiwang Lupon. Para sa kumpletong listahan ng mga kasalukuyang miyembro, mag-click dito.
Maaari. Bumisita sa aming page na “Kwalipikado Ka Ba?” upang malaman kung maaari kang maging kwalipikado para sa isa sa aming mga programa. I-email ang iyong tanong sa aming Pangkat sa Pagpapatala o tumawag sa amin sa 1(888) 558-5858 at tutulungan ka naming alamin kung may programang naaaangkop sa iyo.
Kabilang sa aming mga provider ang mga doktor, nurse practitioner, klinika, at ospital, at nakikiisa silang lahat sa aming paninindigan na tiyaking may access sa pangangalagang pangkalusugan ang mga San Franciscan. Para sa kumpletong listahan ng aming network ng provider, bisitahin ang Aming Network sa seksyong Mga Provider.
Makikita sa aming membership ang pagkakaiba-iba sa San Francisco, kabilang ang mga nasa hustong gulang, nakababatang nasa hustong gulang, at bata mula sa mga pamilyang may mababa hanggang sa katamtamang laki ng kita. Dagdag pa rito, ang mga miyembro namin ay mga may kapansanan at matandang nasa hustong gulang na tumatanggap ng Medi-Cal, mga taong nagtatrabaho para sa IHSS Authority, Homebridge, at ilang pansamantalang empleyado ng Lungsod at County ng San Francisco. Ang karamihan sa aming mga miyembro ay nagsasalita ng kanilang pangunahing wika na bukod sa English. Upang matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga miyembro, bi-lingual at bi-cultural ang aming mga pangkat ng Serbisyo sa Customer at Outreach sa Komunidad (at kung minsan ay tri-lingual at tri-cultural pa). Inilalathala sa maraming wika ang aming mga direktoryo ng provider, materyal para sa miyembro, materyal para sa edukasyong pangkalusugan, at maging ang website na ito.