Paunawa tungkol sa kawalan ng diskriminasyon Medi-Cal
Ang diskriminasyon ay labag sa batas. Sinusunod ng San Francisco Health Plan (SFHP) ang mga Pederal na batas sa mga karapatang sibil. Ang SFHP ay hindi nandidiskrimina nang labag sa batas, nagsasantabi ng mga tao, o kaya naman ay nag-iiba ng pakikitungo sa kanila nang dahil sa kasarian, lahi, kulay, relihiyon, lipi, pinanggalingang bansa, kinikilalang pangkat etniko, edad, kapansanan sa pag-iisip, kapansanan sa katawan, kondisyong medikal, genetic na impormasyon, katayuan sa pag-aasawa, gender, kinikilalang gender, o sekswal na oryentasyon.
Nagbibigay ang SFHP ng:
Mga libreng tulong at serbisyo sa mga taong may mga kapansanan upang tulungan silang makipag-usap nang mas mabuti, tulad ng:
- Mga kwalipikadong tagapagsalin ng sign language
- Nakasulat na impormasyon sa iba pang format (malalaking letra, audio, accessible na elektronikong format, iba pang format)
Mga libreng serbisyo sa wika sa mga taong hindi Ingles ang pangunahing wika, tulad ng:
- Mga kwalipikadong tagapagsalin
- Impormasyong nakasulat sa iba pang wik
Kung kailangan mo ang mga serbisyong ito, tawagan ang SFHP Customer Service sa pagitan ng 8:30am at 5:30pm, Lunes hanggang Biyernes, sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(415) 547-7800 o 1(800) 288-5555 (toll-free). Kung hindi ka nakakarinig o nakapagsasalita nang mabuti, mangyaring tumawag sa TTY 1(415) 547-7830 o 1(888) 883-7347 (toll-free). Kapag hiniling, maaaring gawing available ang dokumentong ito sa braille, malaking letra, audiocassette, o elektronikong anyo. Upang makakuha ng isang kopya sa isa sa mga alternatibong format na ito, mangyaring tumawag o sumulat sa:
San Francisco Health Plan
P.O. Box 194247
San Francisco, CA 94119
1(800) 288-5555, TTY 1(888) 883-7347,
California Relay Service 711
Paano maghain ng karaingan
Kung naniniwala kang hindi naibigay ng SFHP ang mga serbisyong ito, o nandiskrimina ito nang labag sa batas sa ibang paraan batay sa kasarian, lahi, kulay, relihiyon, lipi, pinanggalingang bansa, kinikilalang pangkat etniko, edad, kapansanan sa pag-iisip, kapansanan sa katawan, kondisyong medikal, genetic na impormasyon, katayuan sa pag-aasawa, gender, kinikilalang gender, o sekswal na oryentasyon, maaari kang maghain ng karaingan sa SFHP. Maaari kang maghain ng karaingan sa pamamagitan ng telepono, ng sulat, nang personal, o sa elektronikong paraan:
- Sa pamamagitan ng telepono: Makipag-ugnayan sa SFHP sa pagitan ng 8:30am – 5:30pm, Lunes hanggang Biyernes, sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(415) 547-7800 o 1(800) 288-5555 (toll-free). Kung hindi ka nakakarinig o nakapagsasalita nang mabuti, mangyaring tumawag sa TTY 1(415) 547-7830 o 1(888) 883-7347 (toll-free).
- Sa pamamagitan ng pagsulat: Punan ang isang form para sa reklamo o sumulat ng liham at ipadala ito sa:
San Francisco Health Plan
P.O. Box 194247
San Francisco, CA 94119 - Sa personal: Bisitahin ang tanggapan ng iyong doktor o ang Sentro ng Serbisyo ng SFHP at sabihing gusto mong maghain ng karaingan. Ang Service Center SFHP ay makikita sa 7 Spring Street, San Francisco, CA 94104.
- Sa elektronikong paraan: Bisitahin ang website ng SFHP sa sfhp.org
Opisina para sa mga karapatang sibil – California Department of Health Care Services
Maaari ka ring maghain ng reklamo kaugnay ng mga karapatang sibil sa California Department of Health Care Services, Office of Civil Rights sa pamamagitan ng telepono, pagsulat, o elektronikong paraan:
- Sa telepono: Tawagan ang 1(916) 440-7370. Kung hindi ka nakakarinig o nakapagsasalita nang mabuti, mangyaring tumawag sa 711 (California Relay Service).
- Sa pamamagitan ng pagsulat: Punan ang isang form para sa reklamo o magpadala ng liham sa:
Deputy Director, Office of Civil Rights
Department of Health Care Services
Office of Civil Rights
P.O. Box 997413, MS 0009
Sacramento, CA 95899-7413
Available ang mga form para sa reklamo sa http://www.dhcs.ca.gov/Pages/Language_Access.aspx. - Sa elektronikong paraan: Magpadala ng email sa CivilRights@dhcs.ca.gov.
Opisina para sa mga karapatang sibil – U.S. Department of Health and Human Services
Kung naniniwala kang nadiskrimina ka batay sa lahi, kulay, pinanggalingang bansa, edad, kapansanan o kasarian, maaari ka ring maghain ng reklamo kaugnay ng mga karapatang sibil sa U.S. Department of Health and Human Services, Office for Civil Rights sa pamamagitan ng pagtawag, pagsulat, o sa electronikong paraan:
- Sa pamamagitan ng telepono: Tumawag sa 1(800) 368-1019. Kung hindi ka nakakapagsalita o nakakarinig nang mabuti, mangyaring tumawag sa TTY 1(800) 537-7697.
- Sa pamamagitan ng pagsulat: Punan ang isang form para sa reklamo o magpadala ng liham sa:
U.S. Department of Health and Human Services
200 Independence Avenue, SW
Room 509F, HHH Building
Washington, D.C. 20201
Available ang mga form ng reklamo sa http://www.hhs.gov/ocr/office/file/index.html. - Sa elektronikong paraan: Bisitahin ang Portal para sa Reklamo ng Tanggapan para sa Mga Karapatang Sibil sa https://ocrportal.hhs.gov/ocr/portal/lobby.jsf.