Pumunta sa: |
Mas Makasulit at Manatiling Malusog sa SFHP Care Plus (HMO D-SNP), na isang Medi-Medi Plan.
Kung mayroon kang Medicare at Medi-Cal, mapapadali ng SFHP Care Plus para manatili kang malusog. Bilang miyembro ng SFHP Care Plus, makukuha mo ang mga sumusunod:
- Lahat ng iyong benepisyo sa Medicare at Medi-Cal
- Coverage sa inireresetang gamot
- Naka-personalize na pangangalaga at suporta
- Mga LIBRENG dagdag na benepisyo at serbisyo
Makipag-usap sa isa sa aming mga Espesyalista ng SFHP Care Plus Medicare na makakasagot sa iyong mga tanong at tumulong sa iyong pag-enroll.

+
=
Sama-sama ang lahat ng ito sa iisang plano, na may iisang card. At galing ang lahat ng ito sa SFHP, lokal na opsyon ng San Francisco para sa Medi-Cal. Isa kaming pinagkakatiwalaang planong pangkalusugan ng komunidad na nagseserbisyo sa lungsod sa loob ng halos 30 taon.
Ang nakatalaga sa iyo na tagapamahala ng pangangalaga ng SFHP Care Plus ay tutulong ding magkoordina ng pangangalaga mula sa lahat ng iyong provider at titiyak sa agarang pag-access sa mga serbisyo. Layunin namin na mapanatili kang malusog – narito kami para sa iyo.

Ang Mga Benepisyo Mo sa SFHP Care Plus
Sa SFHP Care Plus, matatanggap mo ang lahat ng iyong benepisyo sa Medicare at Medi-Cal nang libre para sa mga serbisyong medikal at walang buwanang premium.
Makakatulong sa iyo ang aming mga libreng karagdagang benepisyo na makatipid sa mga piling over-the-counter na item, at sa pangangalaga sa ngipin, paningin, at pandinig.
Tingnan ang ilan sa aming mga benepisyo:
Gamitin ang Provider Directory para makita kung aling mga doktor at espesyalista ang nasa SFHP Care Plus network.
- $0 na copay at $0 na deductible para sa mga pagpapatingin sa doktor at ospital
Maghanap ng mga parmasya na network, tingnan ang mga sakop na gamot, at alamin kung paano nakakatulong sa iyo ang SFHP Care Plus na makuha ang resetang kailangan mo: sfhp.org/tl/careplus-pharmacy.
- $0 na copay para sa mga gustong generic at piling saklaw na gamot para makontrol ang mga hindi gumagaling na kundisyon gaya ng mataas na presyon ng dugo at diabetes
Nagbibigay sa iyo ang SFHP Care Plus &more™ Card ng $150 kada tatlong buwan na puwedeng gastusin sa mga aprubadong gamit sa kalusugan tulad ng aspirin, bitamina, gamot sa sipon, bandage, at marami pa. Alamin kung paano gumagana ang card, kung ano ang mga produkto na sakop, at kung saan ka puwedeng bumili: sfhp.org/tl/OTC_Catalog
- $150/quarter para sa ilang piling over-the-counter na produkto
- Kasama sa mga item na saklaw sa ilalim ng benepisyong ito ang:
- Aspirin
- Mga bitamina
- Gamot sa sipon at ubo
- Mga pangbenda
- At marami pang iba
Available ang mga serbisyo sa ngipin sa Liberty Dental at Medi-Cal Dental 1(888) 704-9838 (TTY 711) o bisitahin ang libertydentalplan.com. Para sa kumpletong listahan ng mga serbisyong sakop ng Medi-Cal Dental, tumawag sa 1(800) 322-6384 (TTY 1(800) 735-2922) o bisitahin ang smilecalifornia.org.
- $0 na gastusin para sa mga regular na check-up sa ngipin, kabilang ang mga paglilinis at x-ray
- $0 na gastusin para sa pustiso (fixed at naalis) at mga crown
- Maaaring saklawin ang mga karagdagang serbisyo sa ilalim ng Medi-Cal Dental
Available ang pangangalaga sa mata sa VSP Vision Care providers sa "Advantage" na Network. Bisitahin ang vsp.com/advantageretail para alamin pa.
- $0 na taunang regular na pagsusuri sa mata
- $300 para sa mga pinagsamang frame/lens o contact lens bawat taon
Available ang pangangalaga sa pandinig sa mga lokal na partner: North East Medical Services (NEMS), University of the Pacific Audiology and Hearing and Low Vision Solutions.
- $0 na taunang regular na pagsusuri sa pandinig
- Mga pagsusuri at pagsusukat para sa mga hearing aid
- Hanggang $2,000 para sa pinagsamang mga hearing aid para sa magkabilang tainga bawat taon
Available ang acupuncture at chiropractic na pangangalaga sa aming partnership sa American Specialty Health (ASH). Tingnan ang mga opsyon sa provider sa sfhp.org/careplus-ash.
- $0 na copay para sa hanggang 24 na pagbisita para sa acupuncture kada taon
Available ang acupuncture at chiropractic na pangangalaga sa aming partnership sa American Specialty Health (ASH). Tingnan ang mga opsyon sa provider sa sfhp.org/careplus-ash.
- $0 na copay para sa hanggang 12 pagbisita para sa chiropractic kada taon
Para sa mga kuwalipikadong miyembro, kasama sa SFHP Care Plus &more™ Card ang mga buwanang allowance para sa masusustansyang pagkain/grocery at renta/mga utility. Sakop din sa programang ito ang 24 na one-way na biyahe sa mga hindi medikal na lokasyon. Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP Care Plus para alamin pa ang tungkol sa pagiging kuwalipikado.
- $20/buwan para sa masusustansyang pagkain/grocery kada taon
- o $20/buwan para sa mga utilidad (kuryente, tubig, heating, atbp.)
- 24 na one-way na biyahe (simbahan, recreation center, grocery, tindahan, atbp.)
*Gamitin ang iyong SFHP Care Plus Card sa mga tindahan na tumatanggap nito, o mag-order online para sa home delivery.
**Ang mga benepisyo ng SSBCI ay bahagi ng isang karagdagang programa para sa may malalang sakit. Hindi lahat ng miyembro ay kwalipikado.
Kwalipikado ba Ako para sa SFHP Care Plus?
Ang SFHP Care Plus ay isang Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), na tinatawag ding Medi-Medi plan. Kung kwalipikado ka sa parehong Medicare at Medi-Cal, maaari kang magpatala sa SFHP Care Plus.
Kwalipikado ka para sa SFHP Care Plus kung:
- Mayroon kang dual eligibility, na nangangahulugang kwalipikado ka para sa parehong Medicare Part A at Medicare Part B at nakakatanggap ka ng kumpletong mga benepisyo sa Medi-Cal
- Ikaw ay:
-
- 65 taong gulang pataas,
O
- Wala pang 65 taong gulang na may kwalipikadong kapansanan, gaya ng:
- Tumatanggap ng Social Security Disability Insurance (SSDI) sa loob ng hindi bababa sa 24 na buwan
- Mayroong ALS o End Stage Renal Disease (ESRD)
-
- Nakatira ka sa County ng San Francisco
- Isa kang mamamayan ng U.S. o isang legal na permanenteng residente

Hayaan ang SFHP Care Plus na Gawing Mas Madali para sa Iyo ang Pangangalaga sa Kalusugan
- Isang Member ID Card para madaling ma-access ang lahat ng iyong serbisyo at benepisyo
- Isang tawag lang sa telepono kapag kailangan mo ng tulong, na may suporta sa iyong wika
- Isang tagapamahala ng pangangalaga para tulungan kang ikoordina ang iyong naka-personalize na pangangalaga
- Isang lokal na plano na palaging narito para sa iyo
SFHP Care Plus: Mga Madalas Itanong
Ang D-SNP ay isang uri ng Medicare Advantage (MA) plan, na tinatawag ding Medi-Medi plan. Iniaalok lang ang D-SNP sa mga taong “dual eligible” (mga taong parehong may Medicare at Medi-Cal).
Maaaring mahirap at nakakalito ang paggamit ng Medicare at Medi-Cal. Pinagsasama ng isang plano sa kalusugan ng D-SNP ang Medicare at Medi-Cal sa iisang plano, para gawing mas simple ang pagkuha ng mga benepisyo at pangangalaga.
Nagbibigay ang SFHP Care Plus ng coverage na pareho sa ibinibigay ng Medicare at Medi-Cal, AT mga dagdag na benepisyo at serbisyo, at naka-personalize na pangangalaga, nang wala kang dagdag na gagastusin sa lahat.
Oo, ang SFHP Care Plus ay isang HMO D-SNP plan. Ibig sabihin nito, dapat kang kumuha ng pangangalaga mula sa mga doktor at ospital na nasa network ng SFHP Care Plus.
Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa North East Medical Services (NEMS), isang sentrong pangkalusugan ng komunidad na nagseserbisyo sa iba’t ibang populasyon sa buong bansa. Ang NEMS ay nagbibigay ng serbisyo sa mga lubos na nangangailangan nito, at nagpapatakbo ng 28 klinika at site sa paghahatid ng serbisyo. Mayroon din itong mahigit 200 provider ng pangangalagang pangkalusugan na may espesyalisasyon sa maraming uri ng pangangalaga.
Nag-aalok ang NEMS ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming wika at diyalekto, kabilang ang English, Cantonese, Mandarin, Toishan, Vietnamese, Burmese, Korean, Spanish, at Hindi.
Kung kailangan mo ng pang-emerhensiyang pangangalaga o mga serbisyo sa dialysis sa labas ng sineserbisyuhang lugar, maaari kang magpatingin sa mga provider na wala sa network ng SFHP Care Plus. Maaari ka ring kumuha ng agarang pangangalaga mula sa mga provider na wala sa network kung hindi mo ma-access ang mga provider ng network sa loob ng makatuwirang panahon para matugunan ang iyong mga agarang pangangailangan sa pangangalaga.
Kung ang iyong mga provider (mga doktor, ospital, parmasya, atbp.) ay nasa network ng SFHP Care Plus, maaari kang patuloy na magpatingin sa kanila at sasaklawin ang iyong pangangalaga.
Nakikipagtulungan ang SFHP Care Plus sa North East Medicare Services (NEMS). Nagpapatakbo ang NEMS ng 28 klinika at site ng paghahatid ng serbisyo at mahigit 200 provider ng pangangalagang pangkalusugan na may espesyalisasyon sa maraming uri ng pangangalaga. Nag-aalok ito ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa maraming wika at diyalekto, kabilang ang English, Cantonese, Mandarin, Toishan, Vietnamese, Burmese, Korean, Spanish, at Hindi
Kung kinakailangan, matutulungan ka naming lumipat sa bagong provider na nasa network ng NEMS.
Kung kailangan mo ng agaran o pang-emerhensiyang pangangalaga o mga serbisyo sa dialysis sa labas ng sineserbisyuhang lugar, maaari kang magpatingin sa mga provider na wala sa network ng SFHP Care Plus.
Kapag natapos mo na ang iyong Pagtatasa sa Panganib sa Kalusugan (Health Risk Assessment, HRA), magtutulungan kayo ng iyong pangkat sa pangangalaga para gumawa ng isang naka-personalize o pang-indibidwal na plano sa pangangalaga (individualized care plan, ICP). Titiyakin natin nang magkasama na makukuha mo ang suportang kailangan mo.
Makakakuha ka ng pangangalaga mula sa isang pangkat ng mga eksperto na ikinoordina ng SFHP. Tutulungan ka ng iyong tagapamahala ng pangangalaga ng SFHP Care Plus na alamin ang plano mo, mga provider mo, at mga serbisyo mo. Layunin nilang tiyakin na makukuha mo ang kailangan mo.
Hindi ka magbabayad ng anumang buwanang premium para sa iyong coverage sa kalusugan, kabilang ang premium sa Medicare Part B, dahil mayroon kang Medi-Cal.
Walang taunang deductible o bahagi sa gastos para sa pangangalagang medikal. Hindi ka mawawalan ng alinman sa iyong mga kasalukuyang benepisyo sa Medi-Cal. Bilang miyembro ng SFHP Care Plus, makakatanggap ka ng karagdagan at libreng coverage at mga benepisyo.
Mangyaring tandaan na para sa mga inireresetang gamot, magkakaroon ka ng maliit na copay para sa mga saklaw na gamot. Bilang miyembro ng D-SNP, makakakuha ka ng karagdagang tulong para mabawasan ang mga gastos para sa mga gamot sa Bahagi D. Mangyaring sumangguni sa handbook ng miyembro para sa higit pang impormasyon.
Mga Karagdagang Resource at Impormasyon
Maghanap pa ng impormasyon tungkol sa mga Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP) sa:
SFHP Care Plus Member Materials »
Alamin pa ang tungkol sa SFHP Care Plus at maghanap ng mga kapaki-pakinabang na resource tulad ng Buod ng Mga Benepisyo, Handbook ng Miyembro, Listahan ng Mga Saklaw na Gamot, at Direktoryo ng Provider at Parmasya.
Medicare.gov »
Ang website ng Mga Sentro para sa Mga Serbisyo ng Medicare at Medicaid (Centers for Medicare and Medicaid Services, CMS) ay makakapagbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa iba't ibang uri ng mga plano sa kalusugan ng Medicare. Magagawa mong magsaliksik dito ng mga planong iniaalok sa iyong lugar at magpatala sa isang plano online.
DHCS (California Department of Health Care Services) »
Alamin ang tungkol sa mga plano para sa Medi-Medi (tinatawag ding "mga dual eligible") gamit ang website ng DHCS. Maaari mong malaman dito ang tungkol sa kung aling mga plano ang iniaalok sa iyong county at kung paano sumali.
National Council on Aging »
May impormasyon ang site na ito tungkol sa Dual Eligible Special Needs Plan (D-SNP), kung ano ang iniaalok nito, pagiging kwalipikado, mga benepisyo nito, at mga pangunahing petsa ng pagpapatala.