Kumuha ng pangangalaga para sa mga hindi gumagaling na kundisyon sa kalusugan.
Ano ang Hindi Gumagaling na Kundisyon?
Ang hindi gumagaling na kundisyon ay isang isyu sa kalusugan na nagtatagal nang 1 taon o higit pa. Nangangailangan ang mga ito ng tuloy-tuloy na medikal na tulong at pwede kang limitahan nito sa paggawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad. Kadalasang nakokontrol ang mga hindi gumagaling na kundisyon. Pwede kang tulungan ng iyong pangkat sa pangangalaga na magkaroon ng malusog na buhay kahit mayroon kang hindi gumagaling na kudisyon sa kalusugan.
Makipagtulungan sa Iyong Pangkat sa Pangangalaga para Manatiling Malusog
Narito ang iyong pangkat sa pangangalaga para tulungan kang panatilihing kontrolado ang kundisyon. Pwede ka nilang bigyan ng mga tip at suporta para manatili kang malusog. Kasama sa iyong pangkat sa pangangalaga ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP). Ang iyong PCP ay ang iyong pangunahing doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor. Maaaring ang iyong pangkat sa pangangalaga ay may ibang tao, tulad ng doktor sa puso o bato, o isang taong tumutulong sa iyo na matutunan ang tungkol sa masusustansyang pagkain.
Maaari kang tulungan ng iyong pangkat sa pangangalaga na gawin ang mabubuting hakbang, tulad ng pagiging mas aktibo at paghinto sa paninigarilyo.
$50 na Gift card
Makakakuha ka ng $50 na gift card kung kwalipikado ka sa insentibo para sa Mga Hindi Gumagaling na Kundisyon* mula sa SFHP. Matuto Pa »
*Para lang sa mga miyembrong may asthma, diabetes, o high blood pressure (hypertension).
Medi-Cal Member Videos
Humingi ng Tulong sa Pag-unawa sa Mga Benepisyo at Serbisyo ng MiyembroManood ng Mga Video »
Mga karaniwang hindi gumagaling na kundisyon sa kalusugan:
Hika
Ang hika ay isang kundisyong nakakaapekto sa mga daluyan ng hangin papunta sa iyong baga. Posibleng mahirapan kang huminga dahil dito. Pwede ring maging sanhi ng madalas na pag-ubo ang hika. May ilang taong may hika na paminsan-minsan lang nagkakaroon ng mga sintomas. Ang ibang tao naman ay may mga sintomas araw-araw. Bagaman hindi nagagamot ang hika, pwede kang makipagtulungan sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga para kontrolin ang iyong hika.
Pinagmulan: Kontrolin ang Iyong Hika
Depresyon
Ang depresyon ay higit pa sa pakiramdam na malungkot o masama ang araw. Kapag ang malungkot na pakiramdam ay nagtatagal at nakakaapekto na sa normal at pang-araw-araw na pagkilos, posibleng nade-depress ka na. Pwede kang kumuha ng maraming kapaki-pakinabang na paggamot para sa depresyon. Makakatulong ang paggamot para mabawasan ang mga sintomas at mapaikli ang itatagal ng depresyon. Pwedeng kasama sa gamutan ang pagpapa-therapy at/o pag-inom ng mga gamot. Matutulungan ka ng iyong PCP o propesyonal sa kalusugan ng pag-iisip na magpasya kung ano ang pinakamakakatulong sa iyo.
Pinagmulan: Mental Health Conditions: Depression and Anxiety (CDC)
Diabetes
Ang diabetes Nakakaapekto ang diabetes sa kung paano ginagawang enerhiya ng iyong katawan ang pagkain. Sa diabetes, ang iyong katawan ay hindi gumagawa ng sapat na insulin o hindi ito magamit nang maayos ayon sa nararapat. Ang pinakamabuting paraan ng pangangalaga ng iyong sarili kapag may diabetes ka ay ang pakikipagtulungan sa iyong team sa pangangalaga ng kalusugan para mapanatiling nasa malusog na antas ang iyong blood sugar, presyon ng dugo at kolesterol. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain, pagbabawas ng timbang, pananatiling aktibo, at pag-inom ng gamot ayon sa inireseta.
Pinagmulan: Diabetes Basics (CDC), Take Charge of Your Diabetes
Sakit sa Puso
Ang terminong “sakit sa puso” ay tumutukoy sa maraming uri ng kundisyon sa puso. Sa United States, ang pinakakaraniwang uri ng sakit sa puso ay coronary artery disease (CAD). Maaaring humantong sa atake sa puso ang CAD. Mapapababa mo ang iyong panganib para sa sakit sa puso sa pamamagitan ng pagpili ng mga masustansyang pagkain at inumin, pagpapanatili ng malusog na timbang, pananatiling aktibo, at hindi paninigarilyo. Sa ilang sitwasyon, maaari mong pababain ang iyong panganib sa pamamagitan ng gamot.
Pinagmulan: About Heart Disease (CDC)
Hepatitis C
Ang hepatitis C ay isang impeksyon sa atay na sanhi ng hepatitis C virus (HCV). Pwedeng ang hepatitis C ay hindi gaanong malalang karamdaman na nagtatagal nang ilang linggo hanggang sa malubha at nagtatagal na karamdaman. Ang hindi gumagaling na hepatitis C ay panghabang-buhay na impeksyon kung hindi ito malulunasan. Pwedeng magdulot ang hindi gumagaling na hepatitis C ng malulubhang problema sa kalusugan, gaya ng pagkasira ng atay, cirrhosis (pagpeklat ng atay), cancer sa atay, at pagkamatay. Mahalaga ang pagpapasuri para sa hepatitis C, dahil pwedeng magamot ang karamihan ng may hepatitis C sa loob ng 8 hanggang 12 linggo.
Pinagmulan: Hepatitis C Basics (CDC), Hepatitis C (CDC)
Mataas na Presyon ng Dugo
Ang mataas na presyon ng dugo, na tinatawag na alta-presyon, ay presyon ng dugo na nananatiling mas mataas sa normal. Ang normal na antas ng presyon ng dugo ay mas mababa sa 120/80 mmHg. Ang pinakamainam na paraan para malaman kung mayroon kang mataas na presyon ng dugo ay ipakuha ang presyon ng iyong dugo. Kadalasan, walang malinaw na sintomas ng mataas na presyon ng dugo. Mas nahihirapan ang puso at mga artery kapag mayroong mataas na presyon ng dugo. Sa pagtagal, mapipinsala nito ang iyong mga organ. Pwedeng pataasin ng mataas na presyon ng dugo ang iyong panganib na magkaroon ng sakit sa puso at stroke. Madalas na suriin ang iyong presyon ng dugo para makatulong sa iyong manatiling malusog at humingi ng tulong mula sa iyong pangkat sa pangangalaga kapag kailangan mo ito.
Pinagmulan: Mataas na Presyon ng Dugo (Altapresyon)
Maaari kayong magtulungan ng iyong doktor na gumawa ng plano na angkop sa iyo at sa iyong partikular na kundisyon sa kalusugan. Matutulungan ka ng iyong plano na masubaybayan ang iyong kalusugan, mapamahalaan ang iyong mga sintomas, at malaman kung kailan dapat tawagan ang iyong PCP o humingi ng tulong na pang-emergency.
Kung maging kwalipikado ka para sa Medi-Cal, makipag-ugnayan sa aming enroll team para makakuha ng pangangalagang kailangan mo. Kung isa kang Miyembro ng SFHP at may sa mga chronic na kondisyon na ito at kailangan mo ng pangangalaga, mangyaring makipag-ugnayan sa Customer Service ng SFHP.