1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Resource para sa COVID-19


Pangkalahatang Impormasyon sa Coronavirus (COVID-19)


Ang Mayo 11, 2023, ay ang katapusan ng federal COVID-19 Public Health Emergency (PHE). Ang iyong kalusugan at kaligtasan ay ang aming nananatiling pangunahing priyoridad. Nais naming tiyakin na ikaw ay mayroon ng lahat ng impormasyong kailangan mo upang manatiling malusog.

Mag-click sa ibaba para sa impormasyon tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19, pagsusuri, at kung paano pinakamahusay na maprotektahan ka at ang iyong pamilya. Walang bayad para sa mga miyembro ng SFHP para sa kailangang bakuna ng COVID-19, pagsusuri, at mga test kit. Maaaring magbago ang coverage paminsan minsan, paki-check ang Medi-Cal Rx para sa mga kamakailang update at benepisyo o tumawag sa 1(800) 977-2273.

Saan Maaaring Matuto Pa

Ang mga mapagkakatiwalaang source na ito ay may napapanahong impormasyon tungkol sa COVID-19:

Ano ang Coronavirus at Ano ang Maaari Kong Gawin?

Ang Coronavirus ay isang virus na nagdudulot ng sakit na tinatawag na COVID-19, na nakakaapekto sa baga at iba pang mga organ. Sa karamihan ng mga tao, nagdudulot ang sakit ng mga bahagyang sintomas. Gayunpaman, para sa ilang tao, maaaring maging mas malubha ang sintomas. Maaaring magdulot ito ng matinding problema sa paghinga o iba pang mga isyu tulad ng Mahabang COVID o Post COVID Conditions (PCC).

Kung nag-aalala ka tungkol sa coronavirus, hindi ka nag-iisa. Magbasa pa upang matutunan kung paano hihingi ng tulong at paano poprotektahan ang iyong sarili at ang ibang tao.

Mga Sintomas

Ang mga taong may COVID-19 ay nakaranas ng iba’t ibang sintomas – mula sa bahagya hanggang malubhang sakit. Ang mga taong may mga sintomas na ito ay maaaring magkaroon ng COVID-19:

Ubo Kinakapos ng hininga o nahihirapang hu minga
Lagnat Panginginig
Pananakit ng kalamnan Pananakit ng ulo
Pananakit ng lalamunan Bagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy
Nahahapo o nanghihina Pagduruwal o pagsusuka
Pagtatae

Maaari ring may iba pang sintomas. Ang mga taong may ilang mga medikal na kondisyon ay maaaring mas mataas ang panganib na magkaroon ng COVID-19.

Mangyaring tumawag sa iyong primary care provider (PCP) para sa anumang iba pang sintomas na ikaw ay nag-aalala. Ang PCP ay ang iyong pangunahing doktor, nurse practitioner, o physician assistant. Ang iyong PCP ay nagtatrabaho kasama mo at isang care team upang matulungan kang maabot ang iyong mga layunin sa kalusugan.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga sintomas, bisitahin ang CDC’s symptom website.

Ano ang Long COVID o Post-COVID?

Ang ilang mga taong nagkaroon ng COVID-19 may hay maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto, kilala bilang Long COVID o Post-COVID Conditions (PCC). Kahit na nagkaroon ka noon ng COVID-19 gawin ang iyong makakaya upang hindi na muling magkasakit upang maiwasan ang anumang sintomas ng Long COVID-19. Matuto pa tungkol sa Long COVID sa CDC.

Kailan Dapat Makipag-ugnayan sa Iyong Doktor

Kung ikaw ay may sakit, tawagan muna ang PCP mo. Maaari ka nilang matulungan sa telepono nang hindi kinakailangan pumunta sa opisina ng doktor.

Maaari ka ring tumawag sa isang doktor na may Teladoc® Alamin ang higit pa sa teladoc.com/sfhp o tumawag sa 1(800) 835-2362.

Mga Senyales na Babalang May Emergency

Humingi agad ng tulong medikal sa pamamagitan ng pagtawag 911. O pumunta sa pinakamalapit na emergency room kung mayroon kang alinman sa mga babalang palatandaan na ito:

  • Nahihirapang huminga
  • Pananakit o paninikip sa dibdib na hindi nawawala
  • Bagong kalituhan o hindi kayang magising
  • Asul na kulay ng mga labi o mukha
  • Hindi maaaring manatiling gising

Mangyaring makipag-usap sa iyong PCP para sa anumang sintomas na malubha o ikaw ay nag-aalala.

Hindi mo kailangan ng paunang pag apruba para sa emergency care. Sinasaklaw din ng SFHP ang out-of-network emergency care. Mangyaring sumangguni sa iyong SFHP Member Handbook o bisitahin ang SFHP Covered Services and Benefits para sa karagdagang impormasyon.

Maaari kang tumawag sa SFHP Customer Service sa:

  • Local 1(415) 547-7800
  • Mga Toll-Free na Tumatawag 1(800) 288-5555
  • TTY para sa mga Tao na Bingi, Mahirap Makarinig, o may Kapansanan sa Pagsasalita 1(415) 547-7830 o 1(888) 883-7347 toll-free o 711

Paano Ko Mapoprotektahan ang Aking Sarili at ang Aking Pamilya mula sa COVID-19?

Naipapasa ang coronavirus sa ibang tao sa pamamagitan ng close contact (kapag wala pang 6 na talampakan ang layo). Kapag ang isang taong nahawaan ay umubo, bumahing, o nagsalita, ang mga patak mula sa kanilang bibig o ilong ay kumakalat sa hangin. Batay sa gaano kaganda ang daloy ng hangin, maaaring malanghap ang mga patak sa hangin.
Bisitahin ang CDC upang malaman kung paano maprotektahan laban sa COVID-19.

Kung Na-Expose ka sa Coronavirus

Kung nagkaroon ka ng malapit na pakikipag-ugnay o positibong test, sundin ang kasalukuyang patnubay ng San Francisco sa sf.gov.

Magpabakuna

Hanggang Setyembre 12, 2023, CDC inirerekomenda na ang mga taong 6 na buwan pataas ay makakuha ng updated na bakuna laban sa COVID-19 Manatiling napapanahon sa iyong bakuna sa pamamagitan ng pagbisita sa CDC.
Bisitahin ang website para sa coronavirus ng San Francisco para matuto pa o tumawag 311.

Magsuot ng Mask

Ang pagsusuot ng mask ay isa pa ring mahalagang kasangkapan para sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19. Isipin ang tungkol sa iyong sariling mga kadahilanan ng panganib upang magpasya kung kailan at saan magsuot ng isang mask.

Paghuhugas ng Mga Kamay

Ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at mainit na tubig ng hindi bababa sa 20 segundo ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Upang matuto pa, tingnan ang Handwashing page ng CDCo panoorin ang video na ito na nagpapakita ng lahat ng hakbang sa mabuting paghuhugas ng kamay.

Pag-access ng Iyong Mga Benepisyo sa Kalusugan

Paano Makikipag-ugnayan sa Iyong Primary Care Provider (PCP)
Kung ikaw ay may sakit, tawagan muna ang PCP mo. Maaari ka nilang matulungan sa telepono nang hindi kinakailangan pumunta sa opisina ng doktor.

Maaari ka ring tumawag sa isang doktor sa Teladoc® nang libre 24/7. Alamin pa lalo sa teladoc.com/sfhp o tumawag sa 1(800) 835-2362. Ang Teladoc® ay magbabahagi ng inyong plano ng pag-aalaga sa inyong PCP na makakatulong upang maiwasan ang mga darating na problema sa kalusugan at sagutin ang anumang tanong na mayroon ka.

Kung hindi mo alam kung sino ang PCP mo, o kailangan ng tulong sa pagkuha ng pag-aalaga o transportasyon, mangyaring tumawag sa SFHP Customer Service:

  • Mga Lokal na Tumatawag 1(415) 547-7800
  • Mga Tumatawag na Walang Bayad 1(800) 288-5555
  • TTY para sa mga Tao na Bingi, Mahirap Makarinig, o may Kapansanan sa Pagsasalita 1(415) 547-7830 o 1(888) 883-7347 toll-free o 711

Tulong sa Parmasya

Walang bayad para sa mga miyembro ng SFHP para sa kailangang bakuna ng COVID-19, pagsusuri, at mga testing kit. Ang coverage ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon, mangyaring suriin ang Medi-Cal Rx para sa mga kamakailang update at benepisyo o tumawag sa 1(800) 977-2273.

Suporta para sa Emosyonal na Kalusugan

Ang COVID-19 ay nagdulot ng malalaking pagbabago sa ating buhay. Maaari kang makaramdam ng stress, kaba, pagkalumbay, pagkabagot, pagkabalisa, o kalungkutan. Hindi ka nag-iisa. Ilang tip para sa pagkontrol ng iyong stress:

  • Mag-break mula sa panonood o pagbabasa ng balita o pagiging aktibo sa social media.
  • Manatili sa pakikipag-ugnay sa mga tagasuporta sa iyong buhay sa pamamagitan ng telepono, text, o online na grupo.
  • Alagaan ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagkain ng malusog na pagkain, ehersisyo, paglabas, at pagkuha ng 7-8 oras ng tulog.
  • Limitahan ang mga inuming may alkohol sa halos 1-2 sa isang araw.
  • Tumawag para sa tulong kung ang iyong emosyon ay nagiging hadlang sa paggawa mo ng mga bagay na karaniwan mong ginagawa.

Bisitahin ang SFHP’s Behavioral and Mental Health upang malaman pa.

Gumawa ng Appointment para sa Mental Health

Tumawag upang mag-set ng mental health appointment at makakuha ng tulong sa mga gamot:

  • 24-Hour Behavioral Health Access Helpline 1(415) 255-3737 o 1(888) 246-3333, TDD 1(888) 484-7200
  • Carelon Behavioral Health 1(855) 371-8117

Kung nais mo ng tulong dahil sa labis mong pag-inom o paggamit mo ng mga droga, tumawag sa:

  • Treatment Access Program 1(800) 750-2727

Bakuna laban sa COVID-19 para sa 2024-2025


Sino ang nangangailangan ng bakuna laban sa COVID-19

Dapat kunin ng mga taong may edad na 6 na buwan at mas matanda ang bakuna laban sa COVID-19 para sa 2024-2025. Dapat mong kunin ito kahit na nakatanggap ka na ng bakuna laban sa COVID-19 noon at dapat kunin ito ng mga taong nagkaroon na ng COVID-19.

May iba pang rekomendasyon kung mayroon kang mahinang immune system. Mangyaring bisitahin ang cdc.gov para matuto pa.

Mangyaring kausapin ang iyong PCP kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Bakit dapat manatiling napapanahon

Ang pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19 ay tumutulong na maprotektahan ka laban sa malubhang sakit, pagpunta sa ospital, at kamatayan. Ito ay isang mas ligtas at mas maaasahang paraan para bumuo ng proteksyon kaysa sa pagkakasakit dahil sa COVID-19.

Ang proteksyon ng bakuna ay humihina sa paglipas ng panahon, kaya mahalagang manatiling napapanahon sa iyong bakuna laban sa COVID-19.

Kung nagkaroon ka ng COVID-19 kamakailan

Kung nagkaroon ka ng COVID-19 kamakailan, maghintay nang 3 buwan bago mo kunin ang bakuna laban sa COVID-19 para sa 2024-2025. Bilangin ang mga buwan mula noong nagsimula ang mga sintomas. O kung wala kang sintomas, bilangin mula nang una kang magpositibo sa test.

Bisitahin ang cdc.gov para matuto pa tungkol sa pananatiling napapanahon sa mga bakuna laban sa COVID-19.

Pagsusuri at Paggamot


Pagsusuri sa Bahay

Maaari kang kumuha ng 8 COVID-19 test bawat buwan sa iyong lokal na parmasya. Libre ang mga test kit. Dalhin ang iyong insurance card ng parmasya at humiling ng mga COVID-19 test kit. Maaaring magbago ang coverage paminsan minsan, paki-check ang Medi-Cal Rx para sa mga kamakailang update at benepisyo o tumawag sa 1(800) 977-2273.

Bisitahin ang Iyong PCP

Ang iyong primary care provider ay maaaring mag-test sayo sa kanilang opisina nang walang bayad. Mangyaring tumawag sa iyong PCP kung na-expose ka sa COVID-19.

Babala: Pagnanakaw ng Impormasyon sa Mga Pekeng Lokasyon ng Pagsusuri para sa COVID-19 – Tukuyin ang Mga Scam

Nalaman ng SFHP ang tungkol sa bagong scam para magnakaw ng impormasyon sa pamamagitan ng mga pekeng lokasyon ng pagsusuri para sa COVID-19.

Scam ito kung aalukin ka ng pera ng isang kumpanya para kunan ng larawan ang iyong health plan ID card o ang Medi-Cal ID card mo. Gagamitin ang iyong ID card para gumawa ng mga pekeng claim. Isa itong panloloko. Ilegal na gagamitin ang iyong personal na impormasyon.

Kapag nagpasuri ka para sa COVID-19, dapat ka lang bumisita sa mga na-verify na lokasyon ng pagsusuri o mga medikal na grupo.

Protektahan ang Iyong Sarili

Tandaang hindi ka kailanman babayaran ng Medicare, Medi-Cal, SFHP, o ng iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan para sa iyong ID card o iba pang personal na impormasyon.

  • Mag-ingat sa sinumang humihingi ng iyong personal, medikal, pinansyal na impormasyon, o health plan ID. Kabilang dito ang pakikipag-usap sa telepono, text, email, o personal.
  • Hindi lahat ng lokasyon ng pagsusuri para sa COVID-19 ay totoo. Hihingin ng mga pekeng lokasyon ang iyong personal na impormasyon, tulad ng iyong SFHP o Medi-Cal ID card, mga Social Security number, credit card, at iba pang impormasyon sa kalusugan. Puwede itong gamitin para nakawin ang iyong pagkakakilanlan.

Alamin kung paano maiiwasan ang mga scam at iulat ang mga ito rito.

Para matuto pa, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.

Paggamot

Maraming tao ang kwalipikadong makakuhang mga paggamot ng COVID-19, tulad ng Paxlovid. Kung magkakaroon ka ng COVID-19 at mayroon kang ilang partikular na isyu sa kalusugan, maaari kang makakuha ng paggamot. Pakitawagan ang iyong PCP sa sandaling magsimula kang magkaroon ng mga sintomas o magpositibo ka para sa COVID-19.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga paggamot ng COVID-19, mangyaring bisitahin ang CDPH.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.