Mga Pagbabago sa Medi-Cal sa California
Simula Enero 2024, Bukas na ang Medi-Cal para sa lahat, anuman ang iyong katayuan sa imigrasyon o edad.
Kapag nag-enrol ka sa Medi-Cal, ang iyong katayuan sa imigrasyon ay hindi sasabihin sa Department of Homeland Security (DHS). Hindi ka made-deport. Hindi magbabago ang pagkakataon mong maging isang mamamayan. Ayon sa batas, ang address mo o ang iyong pribadong impormasyon ay hindi ibabahagi sa iba pang mga ahensya.
Mga Kasalukuyang Kinakailangan para sa Medi-Cal
Maaaring makakuha ang buo mong pamilya ng Medi-Cal.
- Ang mga nasa hustong gulang na nasa pagitan ng edad na 26 hanggang 49 ay maaaring makakuha ng Medi-Cal.
- Ang mga imigrante ay maaaring makakuha ng Medi-Cal kahit ano pa ang legal na katayuan nila.
- Kapag nag-enrol ka sa Medi-Cal, hindi hihilingin sa iyo na magbigay ng impormasyon sa asset bilang bahagi ng mga kinakailangan sa kita. Matuto nang higit pa tungkol sa pagbabagong ito dito.
Kung sinabihan ka dati na hindi ka puwedeng kumuha ng Medi-Cal, maaari ka na ngayong maging kwalipikado.
Ano ang Iyong Makukuha sa SFHP
Ang San Francisco Health Plan (SFHP) ay nilikha ng Lungsod ng San Francisco upang magbigay ng dekalidad, murang pangangalaga sa kalusugan sa ating mga komunidad.
Kasama ang SFHP magkakaroon ka ng maraming pagpipilian na mga doktor, ospital, at klinika.
- Medikal na pangangalaga
- Pangangalagang pangkalusugan para sa pag-iisip at pag-uugali
- Pagpaplano ng pamilya at pangangalaga sa maternity
- Ngipin at paningin (salamin sa mata)
- Suporta ng Doula sa pagbubuntis
- Pangangalaga at suporta sa loob ng bahay
- X-ray at mga serbisyo sa laboratoryo
- Mga serbisyo ng terapiyang pangkatawan at occupational
- Pangangalagang nagpapatunay sa kasarian
- Libreng transportasyon papunta sa mga pagpapatingin sa doktor
Matuto pa tungkol sa Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo ng SFHP.
SFHP Sinasalita ang Wika Mo
Paglilingkuran ka namin sa paraang iginagalang ka, ang iyong kultura, at ang iyong wika.
Maaaring magbigay angSFHP ng dekalidad na pangangalaga sa wika na iyong pinili.
- Nagsasalita ng maraming wika ang mga doktor na nasa aming network.
- Maaaring humiling ang mga miyembro na magkaroon ng Kwalipikadong Interpreter ng Kalusugan para sa mga appointment.
- Available ang mga materyales ng impormasyon ng SFHP sa mga sumusunod na wika nang walang bayad: Ingles, Spanish, Chinese, Vietnamese, Russian, at Tagalog.
Humingi ng Tulong sa Pag-enrol sa Medi-Cal
Maaari kang gumawa ng appointment sa Sentro ng Serbisyo ng SFHP upang makakuha ng personal o sa pamamagitan ng telepono na tulong sa pag-enrol sa Medi-Cal.
Sasagutin ng mga tauhan namin ang iyong mga katanungan at tutulungan ka sa proseso ng pag-enrol. Maaari ka naming tulungan sa wikang gusto mo.
Maaaring gawin ang mga appointment sa pamamagitan ng telepono sa:
Lunes hanggang Biyernes 8:30am – 5:00pm
Sabado 8:30am – 12:00pm
Maaaring gawin ang mga personal na appointment sa:
Martes at Huwebes 8:30am – 5:00pm
Miyerkules 8:30am – 4:00pm
(nagsasara kami ng 3:00pm sa ika-3 na Miyerkules ng bawat buwan)
Upang gumawa ng personal o sa pamamagitan ng telepono na appointment, tumawag nang walang bayad sa
Matuto pa tungkol sa aming Sentro ng Serbisyo.