Bakuna laban sa COVID-19 para sa taon 2024-2025
Dapat na magpabakuna ang mga taong may edad na 6 buwan at mas matanda ng bakuna laban sa COVID-19 para sa taon 2024-2025. Dapat mong kunin ito kahit na nakatanggap ka na ng bakuna laban sa COVID-19 noon o nagkaroon na ng COVID-19. Para sa mga taong may mahinang immune system, mangyaring makipag-usap sa inyong primary care provider* (PCP) kung kailangan mo ng karagdagang bakuna laban sa COVID-19.
Mangyaring bisitahin ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) para matuto pa.
Manatiling updated sa Iyong Mga Bakuna
Ang pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19 ay tumutulong na maprotektahan ka laban sa sakit, pagpunta sa ospital, at kamatayan. Ito ay isang mas ligtas na paraan upang manatiling protektado kaysa sa pagkakasakit ng COVID-19.
Ang proteksyon ng bakuna ay humihina sa paglipas ng panahon, kaya mahalagang manatiling napapanahon sa mga bakuna laban sa COVID-19.
Matuto pa sa cdc.gov/covid.
Makipag-usap sa Iyong PCP
Maaari kang magpa-appointment para sa bakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagtawag sa iyong PCP. Mangyaring kausapin ang iyong PCP kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa pagpapabakuna. Makakatulong ang mga bakuna upang mapanatili kang malusog at makalabas ng ospital.
Maging Protektado Laban sa RSV
Ang RSV ay isang virus na maaaring magdulot ng lubhang pagkakasakit sa ilang mga nasa hustong gulang. Maaari itong magdulot ng malubhang problema sa baga, kadalasan sa mga nakatatanda. Maaaring humantong ito sa:
- Pulmonya (impeksyon sa baga)
- Nahihirapang huminga
- Pananatili sa ospital
- Sa bihirang mga kaso, kamatayan
Mayroon na ngayong bakuna upang maprotektahan ka. Tinutulungan ka ng bakuna na maiwasan ang mga malubhang problemang ito mula sa RSV.
Sino Ang Dapat na Magpabakuna Laban sa RSV?
Ipinapayo ng CDC na magpabakuna laban sa RSV ang mga nasa hustong gulang na ito:
- Lahat ng taong may edad 75 pataas
- Ang mga nasa hustong gulang na may edad 60 hanggang 74 ay may mas mataas na panganib ng malubhang RSV
Maaaring mas mataas ang panganib mo kung ikaw ay may:
- Sakit sa puso
- Hika o iba pang sakit sa baga
- Diabetes
- Mahinang immune system
Matuto nang higit pa tungkol sa iba pang mga problema sa kalusugan na maaaring makadagdag sa iyong panganib para sa RSV sa cdc.gov.
Ano ang Dapat na Malaman Tungkol sa Bakuna Laban sa RSV
- Isang pagpapabakuna lang ang kailangan mo.
- Maaari kang magpabakuna anumang oras.
- Maaari kang magpabakuna laban sa RSV at iba pang mga bakuna nang magkakasabay.
- Saklaw ito ng SFHP.
Ligtas ang bakuna, ngunit tulad ng anumang gamot, maaari itong magkaroon ng mga side effect. Karamihan ay banayad, tulad ng pananakit ng katawan kapag nagpabakuna ka.
Magpabakuna nang Walang Gastos
Kung isa kang miyembro ng SFHP, pwede kang magpabakuna ng mga bakunang ito nang walang bayad. Maaari kang magpa-appointment para sa bakuna laban sa COVID-19 at RSV nang sabay sa pamamagitan ng pagtawag sa iyong PCP. Mangyaring kausapin ang iyong PCP kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa pagpapabakuna ng mga ito. Makakatulong ang mga bakuna upang mapanatili kang malusog at makalabas ng ospital.
*Ang isang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.