Ang kakayahang makipag-usap nang malinaw sa iyong provider, magtanong, at maunawaan ang iyong paggamot at gamot ay bahagi ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan. Kaya sa SFHP, maaari kang makakuha ng isang tagasalin para sa iyong mga pagpapatingin ng kalusugan nang walang bayad. Kakausapin ka namin sa wikang gusto mong gamitin, kabilang ang American Sign Language.
Paano Kumuha ng isang Tagasalin:
- Tawagan ang iyong provider para magpaiskedyul ng pagpapatingin ng kalusugan: Maaari mong mahanap ang numero ng telepono ng iyong pangunahing tagapagbigay ng pangangalaga (PCP) sa likod ng iyong SFHP ID card. Ang PCP mo ay ang doktor, physician assistant, o nurse practitioner na responsable sa iyong pangangalaga sa kalusugan. Kung nais mo ng tulong sa paghahanap ng numero ng telepono ng iyong PCP, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Customer ng SFHP.
- Humingi ng tagasalin para sa iyong pagpapatingin ng kalusugan: Kapag tumawag ka upang magpaiskedyul ng iyong pagpapatingin ng kalusugan, humingi ka na rin ng isang tagasalin. Importante na humiling nang maaga.
- Pumunta sa iyong pagpagpapatingin ng kalusugan: Makakakuha ka ng tagasalin nang personal o sa telepono sa panahon ng iyong pagpapatingin ng kalusugan.
- Kumuha ng de-kalidad na pangangalaga: Tanungin mo ang iyong PCP ng anumang mga katanungan na mayroon ka tungkol sa iyong kalusugan o ibahagi ang anumang mga alalahanin. Sasamahan ka ng iyong tagasalin habang nakikipag-usap ka sa iyong provider.
- Kung kailangan mo ng higit pang tulong, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP: Tawagan ang numero ng Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.
Sa paghingi ng tagasalin, pinapangunahan mo ang iyong paglalakbay sa kalusugan. Matutulungan ka ng isang tagasalin na makuha ang suporta na kailangan mo at nararapat.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng tagasalin, magklik dito.