Madali lang ang paghuhugas ng iyong mga kamay, at isa ito sa mga pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo tulad ng flu at bagong coronavirus. Mapipigilan ng malilinis na kamay ang pagkalat ng mga mikrobyo tulad ng flu at bagong coronavirus mula sa isang tao papunta sa iba.

Sundin ang limang hakbang na ito sa bawat oras:

Basain ang iyong mga kamay gamit ang malinis at tumutulong tubig (maligamgam o malamig), isara ang gripo, at gumamit ng sabon
Pabulain ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng pagkukuskos sa mga ito nang may sabon. Pabulain ang mga likod ng iyong mga kamay, pagitan ng iyong mga daliri, at ilalim ng iyong mga kuko.
Kuskusin ang iyong mga kamay sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo. Mas matagal iyon kaysa sa iniisip mo! Humuni sa kantang “Maligayang Bati” mula sa simula hanggang sa katapusan nang dalawang beses.
Banlawan ang iyong mga kamay nang mabuti sa ilalim ng malinis at tumutulong tubig.
Patuyuin ang iyong mga kamay gamit ang malinis na bimpo o patuyuin ang mga ito sa hangin.

Source: About Handwashing (CDC)

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.