Sa mga buwan ng taglamig, maraming tao ang maaaring makaramdam ng stress dahil sa pera, pamilya, pagluluksa, at marami pang iba. Maaaring uminom ng alak ang ilang tao para makayanan ang stress. Natuklasan ng National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism na ang rate ng pag-inom sa U.S. ay tumataas sa panahon ng mga holiday. Sa panahong ito, maaari kang gumawa ng mga hakbang para magbawas o huminto sa pag-inom at humarap sa stress sa paraang nakakabuti sa kalusugan.
Subukan ang 7 Tip na Ito
- Bantayan kung gaano karami ang iniinom mo. Bigyang-pansin ang bawat alak na iinumin bago mo ito inumin.
- Alamin ang mga karaniwang sukat ng alak para mabilang mo ang mga iniinom mo.
- Magtakda ng mga layunin para sa sarili mo, tulad ng kung ilang araw sa isang linggo mo binabalak na uminom ng alak at kung gaano karaming alak ang iinumin mo sa mga araw na iyon.
- Maghanap ng iba pang paraang sa pagharap sa mga problema nakakabuti sa kalusugan sa halip na uminom ng alak. Subukang igalaw ang iyong katawan sa pamamagitan ng paglalakad o pag-eehersisyo, na maaaring makatulong sa stress. Para sa mga karagdagang tip upang mabawasan ang stress, bisitahin ang aming Health Education Library.
- Iwasan ang mga bagay na nagdudulot sa iyo na uminom ng alak kahit na hindi mo gusto. Kung alam mo ang ilang partikular na pagkilos, oras sa bawat araw, o damdamin na naghihikayat sa iyo na uminom ng alak, magplano ng ibang bagay na gagawin.
- Gumawa ng plano para mapangasiwaan ang kagustuhang uminom ng alak. Subukang ipaalala sa iyong sarili ang mga dahilan kung bakit nais mong baguhin ang iyong mga pattern ng pag-inom ng alak o makipag-usap sa isang taong pinagkakatiwalaan mo.
- Maghanda ng matatag at magalang na “Huwag na lang” para mabilis kang makatanggi kapag inalok ka ng alak.
Iminumungkahi ng Dietary Guidelines for Americans na 2 o mas kaunti lang ang alak na iinumin sa isang araw para sa mga lalaki at 1 o mas kaunti sa isang araw para sa mga babae. Bukod pa rito, may ilang mga tao na hindi talaga dapat uminom ng alak, tulad ng mga taong nagbubuntis o nagpaplanong mabuntis, at mga taong wala pang 21 taong gulang.
Mga Senyales ng Adiksyon
Gusto nating maging maingat sa dalas ng ating pag-inom ng alak. Ang pag-inom ng alak ay maaaring maging problema at maaaring maging isang adiksyon. Huwag uminom at magmaneho, dahil maaari itong humantong sa kasong DUI (pagkaaresto, multa, atbp.) o maging kamatayan.
Kabilang sa mga karaniwang senyales ng adiksyon ang:
- Pag-inom nang higit sa gusto mo
- Pagkakaroon ng problema sa pagbabawas
- Paglalagay ng iyong sarili sa panganib ng pinsala, tulad ng pag-inom at pagmamaneho
- Paglabag sa batas kaugnay ng pag-inom ng alak
- Pananakit sa mga relasyon
- Mga pagbabago sa kilos o mood
- Hindi pangangalaga sa iyong kalusugan
- Mga problema sa trabaho at personal na buhay
Saan Makakakuha ng Suporta
Kung nahihirapan ka sa iyong pag-inom ng alak, o sa tingin mo ay posibleng mayroon kang adiksyon, may makukuha kang tulong. Humanap ng suporta at mga mapagkukunan sa ibaba:
- Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP): Ang PCP ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner. Sila ang nangangasiwa sa lahat ng iyong pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan. Tumawag sa iyong PCP para magpa-appointment. Makikita mo ang kanilang numero ng telepono sa iyong SFHP ID card o makakahanap ka ng provider dito.
- Pamamahala ng Pangangalaga ng SFHP: Magbibigay sa iyo ang isang nurse ng one-on-one na tulong para makuha mo ang tamang pangangalaga. Tumawag sa
1(415) 615-4515. - Carelon Behavioral Health: Kung mayroon kang Medi-Cal,puwede kang makipag-usap sa isang espesyalista sa kalusugan ng pag-uugali nang walang bayad sa Carelon Behavioral Health. Tumawag sa
1(855) 371-8117 para matuto pa o para magpa-appointment. Hindi mo kailangan ng referral. - San Francisco Behavioral Health Services (SFBHS): Nag-aalok ang SFBHS ng pangangalaga para sa kalusugan ng isip, pag-inom ng alak, at paggamit ng droga. Tumawag sa kanilang 24/7 na linya sa
1(888) 246-3333 para matuto pa. Hindi mo kailangan ng referral. - Treatment Access Program (TAP) Voluntary Unit: Maaari kang iugnay ng TAP sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip at paggamot para sa paggamit ng sangkap. Tumawag sa
1(415) 503-4730 o nang toll-free sa1(800) 750-2727. - Sensitibong Pangangalaga sa Menor de Edad: Kung ikaw ay 12 taong gulang o mas matanda, maaari kang makakuha ng pangangalaga para sa disorder sa paggamit ng sangkap nang walang pahintulot ng iyong magulang o tagapag-alaga. Hindi mo kailangan ng referral. Maaari kang makipag-usap nang pribado sa isang tao tungkol sa iyong mga alalahanin sa kalusugan sa pamamagitan ng pagtawag nang 24/7 sa
1(877) 977-3397. Maaari kang tumawag sa doktor gamit ang telepono o video sa pamamagitan ng Teladoc sa1(800) 835-2362, o bumisita sa teladoc.com/sfhp.