I-update ang mga bakuna ng iyong anak bago magsimula ang klase

Mahalaga na makuha ng iyong anak ang lahat ng kanyang bakuna upang mapanatiling malusog ang anak mo at ang inyong pamilya sa buong taon ng paaralan. Kung pabalik ang iyong anak sa paaralan at may hindi siya nakuhang bakuna, hindi mo kailangang magsimula ulit.

Tawagan kaagad ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider, PCP) upang magpaiskedyul ng “pahabol” na pagpapatingin o upang magtanong.

Nakakatulong ang mga bakuna na mapababa ang panganib sa malulubhang sakit ng iyong anak tulad ng:

  • Chickenpox (VAR) na pumipigil sa mga pagpapaltos, impeksyon sa balat, pagkasira ng nerve, at kawalan ng paningin.
  • COVID-19 Booster na pumipigil sa sakit na Coronavirus.
  • Hemophilic Influenza type B (Hib) na pumipigil sa meningitis (impeksyon sa utak), pulmonya (impeksyon sa baga), at impeksyon sa dugo.
  • Hepatitis A (HepA) na pumipigil sa lagnat, pagkapagod, at pagtatae (malambot at matubig na dumi.)
  • Hepatitis B (HepB) na pumipigil sa sakit at kanser sa atay na nauugnay sa HepB virus.
  • Measles (MMR) na pumipigil sa pulmonya (impeksyon sa baga), pagkabingi, at pinsala sa utak.
  • Polio (IPV) na pumipigil sa pagkaparalisa ng kalamnan at mga kapansanan.

Ang mga bakuna para sa iyong anak ay inirerekomenda ng Komite sa Pagpapayo sa Mga Kagawian sa Pagbabakuna (Advisory Committee on Immunization Practices, ACIP) ng CDC. Ang ACIP ay binubuo ng mga eksperto sa medikal at pampublikong kalusugan. Ang lahat ng bakuna na inirerekomenda ng ACIP ay saklaw ng SFHP Medi-Cal.

Bisitahin ang CDC upang tingnan ang iskedyul ng bakuna para sa mga sanggol at bata. Humingi sa iyong PCP ng iskedyul ng bakuna para sa iyong anak.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider, PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Kung kailangan mo ng tulong o mayroon kang anumang mga katanungan, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-78001(800) 288-5555 (libre ang pagtawag), o 711 (TTY), Lunes–Biyernes, 8:30am–5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.