
Ang iyong anak ay maaaring ma-expose sa lead kung may malunok o malangghap siyang lead o lead dust.
Karamihan sa mga bata na may anumang lead sa kanilang dugo ay hindi kaagad nagkakaroon ng malinaw na sintomas. Kahit mabababa ang antas ng lead sa dugo, maaari itong makaapekto sa kakayahan ng isang bata na matuto, tumuon, at maging mahusay sa paaralan. Walang ligtas na antas ng lead sa dugo para sa mga bata. Kung maaaring na-expose ang iyong anak sa lead, makipag-usap sa provider ng iyong anak. Magtanong tungkol sa pagpapasuri para sa lead sa dugo para sa iyong anak.
Makakuha ng $50 para sa Unang Pag-screen sa Pag-unlad para sa Iyong Anak
Kung wala pang 36 na buwan (3 taong gulang) ang iyong anak, maaari kang makatanggap ng $50 na gift card sa koreo matapos mong dalhin ang iyong anak para sa kanyang unang pagsusuri para sa pag-unlad. Ang pag-screen ng lead sa dugo ay isang karaniwang bahagi ng pagsusuri para sa pag-unlad ng isang bata. Ang mga batang may Medi-Cal ay dapat magpasuri para sa lead sa edad na 12 buwan (1 taong gulang) at 24 na buwan (2 taong gulang).
Alamin ang higit pa tungkol sa programang Health Rewards sa sfhp.org/tl/rewards.