Alamin Kung Ano ang Screening ng Pag-unlad at Kailan Ito Dapat Kunin
Ang mga milestone sa pag-unlad (paano naglalaro, natututo, nagsasalita, kumikilos, o gumagalaw ang isang bata) ay ang mga bagay na nagagawa na ng karamihan sa mga bata sa isang partikular na edad. Kinakailangan ng lahat ng maliit na bata ang screening ng pag-unlad upang matulungan ka, ang provider ng iyong anak, at ang mga guro na malaman kung normal ang pag-unlad ng iyong anak.
Kapag dinala mo ang iyong anak sa isang Well-Child Visit, magsasagawa ng screening ang provider ng iyong anak. May gagawing maikling pagsusuri sa iyong anak at/o may sasagutan kang survey tungkol sa anak mo. May mga katanungan dito na gaya ng paano nagsasalita, gumagalaw, nag-iisip, kumikilos, at nagpapahayag ng kanyang mga nararamdaman ang iyong anak. Tumutulong ito na malaman kung posibleng kailangan ng iyong anak ng higit pang suporta sa pag-unlad.
Padadalhan ka ng $50 gift card sa pamamagitan ng koreo pagkatapos ng iyong Well-Child Visit!
Ipapadala sa iyo ang gift card sa pamamagitan ng koreo sa loob ng 5 linggo. Kung kukunin mo pa lang ang iyong gift card, mangyaring tumawag sa Serbisyo sa Customer sa
Screening ng pag-unlad ng anak sa edad na:
- 9 na buwan
- 18 buwan
- 30 buwan
Screening ng autism spectrum disorder (ASD) sa edad na:
- 18 buwan
- 24 na buwan
Bisitahin ang CDC para sa higit pang bagong impormasyon tungkol sa ASD.
Suporta para sa Iyo at Iyong Pamilya
Gamitin ang checklist ng milestone para masubaybayan ang pag-unlad ng iyong anak. Ibahagi ang impormasyong ito sa guro at provider ng iyong anak sa bawat Well-Child Visit. Kung nag-aalala ka tungkol sa pag-unlad ng iyong anak, kausapin ang provider ng iyong anak tungkol sa iyong mga alalahanin at magtanong tungkol sa screening ng pag-unlad.
Makakahingi ka rin ng tulong sa pamamagitan ng aming partner na Support for Families. Nag-aalok ang Support for Families ng one-on-one o panggrupong suporta nang wala kang babayaran. Para sa higit pang impormasyon, mag-email kay Zulema Rubalcava, Developmental Screening Manager sa