Ang diabetes ay isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkawala ng paningin at pagkabulag sa mga nasa hustong gulang sa U.S. na 18 taong gulang at mas matanda. Hindi ipinapasuri ng 1 sa 2 taong may diabetes ang kanilang mga mata bawat taon. Kadalasan, hindi nakakapagpagamot ang mga tao sa tamang oras. Ang pagpapasuri sa mata bawat taon ay makakapagpaliit ng panganib na mawalan ka ng paningin nang 95%.
Makipag-usap sa iyong PCP* kung mayroong anumang pagbabago sa iyong mga mata, tulad ng:
- Malabong paningin
- Biglaang pagkakaroon ng mga itim o grey na batik o linya sa iyong paningin
- Nagbabagong paningin
- Madidilim o blangkong spot sa paningin
Tiyaking kumuha ng kumpletong pagsusuri sa mata bawat taon. Para sa mga taong may diabetes, kasama sa kumpletong pagsusuri sa mata ang dilation ng mata. Dito, bibigyan ka ng doktor ng pampatak sa mata para palakihin ang pupil mo. Binibigyang-daan ng dilation ng mata ang iyong doktor na makita ang loob ng iyong mata at maghanap ng anumang pagbabago. Kadalasan, walang anumang sintomas sa unang yugto ang mga problema sa mata.
Makakakita ka ng provider para sa paningin sa pamamagitan ng pagpunta sa vsp.com o pagtawag sa 1(800) 438-4560. Sumali sa isang klase para makatulong na kontrolin ang iyong diabetes: Mga Klase sa Edukasyong Pangkalusugan.
* Ang Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider, PCP) ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant na doktor na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.