Maaaring magkatrangkaso ang sinuman, at maaari itong maging malubha.
Dapat magpabakuna ang lahat ng tao laban sa trangkaso bawat taon.

Maaaring maikalat ang trangkaso sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahing, pagsasalita, o paghawak. Posible itong magdulot sa iyo ng lagnat, ubo, pananakit ng katawan, o pulmonya. Ang bakuna sa trangkaso ay nagpoprotekta laban sa flu virus at nakahanda ito nang walang bayad para sa mga miyembro ng SFHP. Mababawasan ng pagpapabakuna laban sa trangkaso ang pagkakaroon ng sakit, pagliban mula sa trabaho at paaralan, at makakatulong itong maiwasan ang mga pagpapatingin sa doktor at pananatili sa ospital. Protektahan ang iyong sarili at mga minamahal mo mula sa pagkakaroon ng trangkaso! Magpabakuna laban sa trangkaso kada taglagas, hugasan ang iyong mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo, at iwasan ang malapit na pakikisalamuha sa mga taong may sakit.

Ang mga miyembro ng Medi-Cal na 19 na taong gulang pataas ay maaaring magpabakuna laban sa trangkaso sa tanggapan ng kanilang doktor o sa botika. Ang mga batang 18 taong gulang pababa ay maaaring magpabakuna laban sa trangkaso sa tanggapan ng kanilang doktor.

Para maghanap ng lugar para sa pagpapabakuna laban sa trangkaso sa San Francisco: sf.gov/flu-vaccines. Para malaman ang higit pa tungkol sa trangkaso: cdc.gov/flu/about.