Alamin kung saan makakahanap ng mga libre o murang pagkain sa San Francisco.

Posibleng mahirap na panahon para sa marami ang mga holiday. Kung nahihirapan kang makakuha ng pagkain tuwing holiday, pakitandaan na may mga taong nagmamalasakit sa iyo at gustong tumulong.

Maraming lugar sa San Francisco ang nag aalok ng mga libre o murang pagkain tuwing holiday. Bisitahin ang kanilang mga website para sa karagdagang mga update at detalye:

Mga Programa sa Pagkain para sa Holiday

  • Ang San Francisco Food Bank ang pinakamalaking food bank sa lungsod. Nagbibigay ito ng pagkain sa mahigit 250,000 tao bawat buwan.
  • Nag-aalok ang The Salvation Army ng mga programa ng tulong sa holiday, gaya ng mga libreng pagkain sa holiday at toy drive.
  • Nag-aalok ang Saint Vincent de Paul Society ng mga serbisyong panlipunan, gaya ng tulong sa pagkuha ng pagkain at mga pagkain para sa holiday.
  • Nag-aalok ang The Jewish Family and Children’s Services ng mga serbisyong panlipunan, gaya ng tulong sa pagkuha ng pagkain at mga pagkain para sa holiday.
  • Nagseserbisyo ang Curry Senior Center sa mga senior na 60 taong gulang pataas at nag-aalok ito sa kanila ng paghahatid ng pagkain sa bahay.
  • Nag-aalok ang GLIDE ng mga espesyal na pagkain para sa mga holiday, kabilang ang Thanksgiving, Bisperas ng Pasko, Pasko, at Bisperas ng Bagong Taon.
  • Nag-aalok ang Tenderloin Tessie Holiday Dinners ng mga pagkain sa Easter, Thanksgiving, at Pasko.

Higit Pang Mapagkukunan

  • Narito ang isang mapa ng mga mapagkukunan ng pagkain na malapit sa iyo.
  • Bisitahin ang website ng Mapagkukunan ng Tulong sa Pagkain sa San Francisco para malaman ang tungkol sa mga programa ng gobyerno na makakatulong din sa iyo na makakuha ng pagkain sa lahat ng oras.
  • Maipapakita sa iyo ng Findhelp.org kung saan ka makakakuha ng suporta na malapit sa iyo gaya ng tulong pinansyal, mga food pantry, at iba pang libre o murang tulong.

Makakatulong ang SFHP sa iyo at sa iyong pamilya na makakuha ng pagkain para sa mga holiday. Tumawag sa intake line ng Pamamahala sa Pangangalaga ng SFHP sa 1(415) 615-4515 at ikokonekta ka namin sa mga mapagkukunan ng pagkain, pabahay, o pangangalagang pangkalusugan.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.