Kilalanin si Shanee, isang doula mula sa SisterWeb, isang partner ng SFHP

Para kay Shanee Jones, nakabalik na sa simula ang paglalakbay bilang doula.

“Bilang isang babaeng African American, mahalaga para sa akin na manindigan para sa aking sarili at maging tagapagtaguyod para sa komunidad ng Black. Gusto kong tiyakin na nauunawaan ng mga magulang na malapit nang manganak ang kanilang mga karapatan sa panganganak,” sabi ni Shanee.

Lumaki si Shanee sa San Francisco. Isa siyang doula (manggagawa sa pagpapaanak) sa partner ng SFHP, ang, SisterWeb. Ang SisterWeb ay isang grupo ng mga doula sa San Francisco. Nakatuon sila sa pagtulong sa mga tao at pamilyang Black na nanganganak habang nagsisikap para sa pagkakapantay-pantay at katarungan sa panganganak. Natapos ni Shanee ang unang programa ng pagsasanay ng SisterWeb para sa mga doula. Pero bago siya naging trainee, nagkaroon ng sariling doula si Shanee.

“Nagkaroon ako ng napakamaselang pagbubuntis noong panahon ng pandemya, at alam kong gusto ko ng higit pang suporta pagkatapos ng mga kumplikasyong kinaharap ko noong aking unang dalawang pagbubuntis,” paggunita niya. “Lubos na kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng doula, lalo na noong nagkaroon ako ng COVID. Dalawang beses akong naospital, at palagi akong sinusuportahan ng aking doula sa mga paraang kailangan ko.”

Sinusuportahan ng mga doula ang mga taong nanganganak bago, habang, at pagkatapos ng pagbubuntis. Matutulungan ka nilang pag-usapan ang tungkol sa iyong pangangalagang pangkalusugan kasama ang iyong mga doktor, makakuha ng edukasyong pangkalusugan, at bibigyan ka nila ng pisikal, emosyonal, at iba pang suporta sa kabuuan ng iyong pagbubuntis. Simula noong Enero 1, 2023, ang mga serbisyo ng doula ay isang ganap na sinasaklaw na benepisyo ng Medi-Cal. Kung mayroon kang SFHP, maaari kang kumuha ng doula nang walang bayad.

“Sa komunidad na kinalakihan ko, marami sa amin ang walang sapat na mapagkukunan ukol sa kalusugan, at napakahalagang tiyakin na may mapagkukunan ang ating mga pamilya,” sabi ni Shanee.

Tulad ng sinabi ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), mas malaki ang posibilidad na maharap sa mga problema ang mga kababaihang Black sa panahon ng pagbubuntis. Sa United States, sila ang may pinakamataas na bilang ng mga namamatay dahil sa mga problema sa pagbubuntis – halos tatlong beses na mas mataas kaysa sa mga kababaihang White.

“Ang pagiging ina ay isang karanasang nagbabago ng buhay, at ang pinakamahalagang bagay kapag nanganganak ka ay ang pagkakaroon ng mga taong talagang sumusuporta sa iyo, lalo na sa panahon ng pagle-labor,” sabi ni Shanee. “Ang pagkakaroon ng suporta ng isang doula ay nakatulong sa akin na matutong magtiwala at maniwala sa aking sarili. Naramdaman kong may kapangyarihan at may kakayahan ako.”

Malugod na sinalubong ni Shanee ang kanyang sanggol kasama ang kanyang ina, doula, at nars sa tabi niya. Ngayon, bilang bahagi ng team ng SisterWeb, nakikipagtulungan si Shanee sa parehong doula at nars na tumulong sa pagsalubong sa kanyang anak na babae halos tatlong taon na ang nakakalipas.

“Ang aking paglalakbay bilang isang kliyente ng SisterWeb ay isa sa pinakamagagandang sandali na papahalagahan ko, at pakiramdam ko ay tungkulin kong bigyan ng kapangyarihan ang ibang kababaihan at suportahan sila sa kanilang paglalakbay,” sabi ni Shanee.

Magtanong sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider o PCP) tungkol sa pangangalaga ng doula. Kung mayroon kang mga tanong, mangyaring tumawag sa Serbisyo para sa Customer ng SFHP sa 1(800) 288-555 o 1(415) 547-7800, o 1(888) 883-7347 (TTY).

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.