Ang iyong PCP ay ang katuwang mo sa iyong paglalakbay sa kalusugan

Maaari mong mapabuti ang iyong kalusugan sa pamamagitan ng pagbisita sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider o PCP). Ang iyong PCP ay ang pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan. Mahalaga ang wellness check-up sa iyong PCP para sa mga bata, buntis, at taong may mga pangmatagalang problema sa kalusugan, tulad ng hika o diabetes.

Kapag sumali ka sa SFHP, dapat mong bisitahin ang iyong PCP para sa wellness check-up kahit na malusog ka.

Ang pagkuha ng wellness check sa iyong PCP ay makakatulong sa iyong:

  • Mabuhay nang mas mahaba
  • Bawasan ang iyong panganib para sa mga problema sa kalusugan
  • Manatili kang malusog at aktibo
  • Mahanap nang maaga ang mga sakit
  • Maiwasan ang mga impeksyon tulad ng trangkaso
  • Makakuha ng suporta sa pagkain, pabahay, transportasyon, at marami pang iba
  • Pamahalaan ang mga kondisyon sa kalusugan
  • Magkaroon ng mas maayos na kalidad ng buhay

Sa panahon ng isang wellness check:

  • Susuriin ang iyong mga vital sign (tulad ng timbang at presyon ng dugo).
  • Tatanungin ka ng iyong PCP tungkol sa kalusugan mo at ng iyong pamilya.
  • Maaari kang magtanong tungkol sa kahit ano o magbahagi ng mga alalahanin tungkol sa kalusugan ng katawan o pag-iisip mo.
  • Maaari kang ikonekta ng iyong PCP sa isang klase sa kalusugan o maaari ka niyang tulungan sa pagkain, pabahay, transportasyon, at iba pang suporta.

Humingi ng Tulong sa Iyong wika

Ang ilang kultura ay maaaring may iba’t ibang paraan ng pagtugon sa mga pangangailangan sa kalusugan. Gumagamit ng mga natural na remedyo ang ilang tao habang ang iba naman ay madalas na bumibisita sa doktor. Okay lang na makaramdam ng kaba kung bago para sa iyo ang pagpunta sa doktor. Nariyan ang iyong PCP para tulungan ka!

  • Maaari kang kumuha ng PCP na nagsasalita ng iyong wika.
  • Maaari ka ring humiling na magkaroon ng interpreter. Makakasama mo ang interpreter nang personal o sa telepono sa panahon ng iyong appointment sa PCP. Alamin ang higit pa sa Mga Serbisyo ng Interpreter ng Wika.
Maaari mong mahanap ang tamang PCP para sa iyo gamit ang Tool sa Paghahanap ng Provider ng SFHP.

Kailangan mo ng masasakyan?

Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa iyong mga appointment. Makipag-ugnayan sa iyong PCP o tumawag sa aming team ng Serbisyo sa Customer para sa karagdagang impormasyon:

  • Lokal: 1(415) 547-7800
  • Walang Bayad: 1(800) 288-5555
  • TTY: 1(415) 547-7830
  • TTY Walang Bayad: 1(888) 883-7347 o 711

Mga Oras ng Pagtawag: Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm. Matuto pa tungkol sa mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo ng SFHP.

Manalo ng $50 gift card para sa iyong unang check-up para sa kalusugan!

Kung isa kang bagong miyembro ng SFHP, kumpletuhin ang iyong unang check-up para sa kalusugan sa loob ng 120 araw (4 na buwan) mula sa pagsali sa SFHP. Pagkatapos ng una mong check-up para sa kalusugan, isasali ka sa isang raffle* para sa $50 gift card!

Mag-book ng appointment

Magpa-appointment para sa isang wellness check-up sa pamamagitan ng pagtawag sa iyong PCP. Makikita mo ang numero ng telepono ng iyong PCP sa iyong ID card mula sa SFHP. Maaari kang makipagkita sa iyong PCP nang personal o online sa pamamagitan ng telepono o video. Kung kailangan mo ng tulong sa pagpapa-appointment, maaari kang tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP.

Tawagan ang iyong PCP at magpa-appointment ngayon!

*Kung mananalo ka sa raffle, awtomatikong magpapadala sa iyo ng $50 gift card sa koreo. Makukuha ng mga mananalo sa raffle ang gift card 5 buwan pagkatapos nilang unang maging miyembro ng SFHP. Hindi ka aabisuhan kung hindi ka nanalo. Ginawa dapat ang iyong unang check-up sa kalusugan sa loob ng 120 araw (4 na buwan) mula nang sumali sa SFHP para maging kwalipikado para sa raffle ng card. Wala kang kailangang sagutang anumang form para makuha ang gift card. Hindi magagamit ang mga gift card para sa pagbili ng alak, tabako, o armas.