
Iniulat ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na mahigit-kumulang 11,500 bagong kaso ng cervical cancer ang mada-diagnose sa Estados Unidos kada taon. Ang magandang balita ay madalas itong maaagapan o matutukoy nang maaga sa pamamagitan ng screening. Magbasa pa upang alamin ang kailangan mong malaman tungkol sa screening para sa cervical cancer.
Ano ang Screening para sa Cervical Cancer?
Sinusuri ng screening para sa cervical cancer ang mga pagbabago sa mga cell ng cervix na maaaring maging cancer. May dalawang pangunahing uri ng test:
- Pap test: Tinitingnan kung may mga pagbabago sa cell sa cervix.
- HPV test: Tinitingnan kung may human papillomavirus (HPV) na maaaring magdulot ng mga pagbabagong ito sa cell.
Sino ang Dapat Magpa-screen?
21-29 Taong Gulang
- Dapat ay magsimulang magpa-Pap test kapag 21 taong gulang na.
- Kung normal ang resulta ng Pap test, puwedeng maghintay nang 3 taon bago ang susunod na Pap test.
30-65 Taong Gulang
Inirerekomenda ng CDC ang 1 sa 3 opsyong ito:
- HPV test kada 5 taon (tinatawag na primary HPV testing).
- Pap test kada 3 taon.
- HPV test at Pap test nang magkasabay (co-testing) kada 5 taon.
Mahigit 65 Taong Gulang
Ang tanging paraan upang malaman kung ligtas nang huminto sa pagpapa-test kapag lumampas na ng 65 taong gulang ay kung sumailalim ka sa ilang magkakasunod na test kung saan walang natukoy na cancer sa nakalipas na 10 taon, at kahit 1 test sa nakalipas na 5 taon.
- Para sa Pap test, dapat kang magkaroon ng 3 magkakasunod na test na normal ang resulta.
- PPara sa Pap-HPV co-test, dapat kang magkaroon ng 2 magkasunod na test na normal ang resulta.
- PPara sa iba pang impormasyon, bisitahin ang cdc.gov.
Maaaring kailanganing patuloy na sumailalim sa screening ang ilang tao na lampas 65 taong gulang kung sila ay:
- Dati nang nagkaroon ng malulubhang pagbabago na puwedeng maging cancer o ng cervical cancer.
- Mahina ang immune system – halimbawa, mga taong may human immunodeficiency virus (HIV) infection, organ transplant, o pangmatagalang paggamit ng steroid.
- Nalantad sa diethylstilbestrol (DES) bago maipanganak.
Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) tungkol sa iyong medikal na kasaysayan at mga salik ng panganib para malaman kung aling screening ang dapat mong ipagawa.
Bakit Mahalaga ang Screening?
- Maaga nitong matutukoy ang mga problema, bago pa man magkaroon ng cancer.
- MKapag natukoy nang maaga, malaki ang tsansang magamot ng cervical cancer.
- MAng regular na screening ay nakakatulong na mapababa ang iyong panganib na mamatay dahil sa cervical cancer.
Paano Magpa-screen
- Kausapin ang iyong PCP tungkol sa kung aling test ang angkop sa iyo.
- Mabilis ang screening at maaari itong gawin sa iyong regular na check-up.
- Sinasaklaw ng SFHP ang screening at paggamot para sa cervical cancer.
Huwag ipagpaliban ang mahalagang pangkalusugang test na ito. Magpa-appointment para sa iyong screening para sa cervical cancer ngayon. Maililigtas nito ang iyong buhay.
*Ang isang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.