Nakakatulong ang mga regular na pagsusuri sa mata para mapanatiling matalas ang iyong paningin
Habang tumatanda ka, posibleng tumaas ang panganib ng ilang sakit sa mata. Pero marami ka nang magagawa ngayon para mapigilan ang mga problema sa mata sa hinaharap.
Makakatulong ang mga pagsusuri sa mata para mapanatiling matalas ang iyong paningin.
Sa panahon ng pagsusuri sa mata, posibleng ipa-dilate ang iyong mga mata. Dito, bibigyan ka ng isang espesyalista sa kalusugan ng mata ng eye drops para palakihin ang pupil mo. Binibigyang-daan ng pag-dilate ng mata ang iyong provider na makita ang loob ng mata mo at maghanap ng anumang pagbabago.
Kadalasan, walang anumang sintomas ang mga problema sa mata sa mga unang yugto ng mga ito.
Alamin kung kailan dapat magpasuri sa mata batay sa iyong edad sa American Academy of Ophthalmology.
Mainam na magpasuri sa mata kung ikaw ay:
Mayroong diabetes — taon-taong magpasuri sa mata para sa diabetic. Ang diabetes ang nangungunang sanhi ng pagkawala ng paningin ng mga taong 18–64 na taong gulang. Wala itong halatang palatandaan o sintomas. Mapipigilan ng taunang pagsusuri sa mata ang 95% ng pagkawala ng paningin na sanhi ng diabetes.
Nasa mas mataas na panganib para sa glaucoma (mga sakit sa mata na pumipinsala sa optic nerve ng iyong mata) — magpasuri sa mata kada 2 taon o ayon sa tagubilin.
Mga taong may mas mataas na panganib na magkaroon ng glaucoma:
- Mga African American na 40 taong gulang pataas
- Kung ikaw ay higit sa 60 taong gulang, lalo na kung ikaw ay Hispanic o Latinx
- Kung mayroon kang mga kapamilyang may glaucoma
Makipag-usap sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (Primary Care Provider o PCP) o espesyalista sa kalusugan ng mata kung mayroon kang anumang pagbabago sa iyong mga mata tulad ng:
- Malabong paningin
- Nagbabagong paningin
- Biglaang pagkakaroon ng mga itim o grey na batik o linya sa iyong paningin
- Madidilim o blangkong spot sa paningin
Matuto pa tungkol sa mga karaniwang sakit sa mata mula sa CDC o sa National Eye Institute.
Plano ng Serbisyo sa Paningin (Vision Service Plan o VSP) para sa Mga Miyembro ng Medi-Cal
Para makahanap ng isang provider ng VSP (optometrist), bisitahin ang vsp.com o tumawag sa 1(800) 438-4560. Bibigyan ka ng VSP ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng isang optometrist kung saan ka puwede magpa-iskedyul ng appointment.
Kapag tumawag ka sa optometrist, siguraduhing sasabihin mong isa kang “miyembro ng VSP”. Beberipikahin ng optometrist ang iyong pagiging kwalipikado at ang saklaw ng plano batay sa iyong saklaw sa pangangalaga ng paningin ng VSP. Hindi napapailalim sa San Francisco Health Plan ang mga serbisyo sa pangangalaga ng paningin.
Kasama sa mga benepisyo sa pangangalaga ng paningin ng VSP para sa mga nasa hustong gulang na 21 taong gulang pataas ang mga sumusunod:
- Mga pagsusuri sa mata mula sa isang optometrist kada 24 na buwan; higit pa rito kung kinakailangan tulad ng para sa mga taong may diabetes.
- Salamin sa mata (mga frame at lense) kada 24 na buwan, na may valid na reseta.
- Pamalit na salamin sa mata sa loob ng 24 na buwan kung may pagbabago sa reseta mo o kung nawala, nanakaw, o nabasag ang iyong salamin sa mata at hindi mo ito kasalanan.
- Mga contact lens na kinakailangan dahil sa medikal na kalagayan.
Pangangalaga ng paningin para sa kabataang wala pang 21 taong gulang:
- Screening ng paningin
- Paggamot para sa mga problema sa paningin, kasama ang salamin sa mata
Hindi mo kailangan ng referral mula sa iyong PCP. Matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa paningin sa pamamagitan ng pagpunta sa vsp.com. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa iyong mga benepisyo sa paningin, tumawag sa VSP sa 1(800) 877-7195.