Pag-unawa at Pag-iwas sa HIV

Maaaring maapektuhan ng Human immunodeficiency virus (HIV) ang sinuman kahit ano pa ang sekswal na oryentasyon, lahi, etnisidad, kasarian, o edad. May ilang partikular na grupo na may mas mataas na posibilidad ng HIV dahil sa iba’t ibang salik ng panganib.

Ano ang HIV?

Ang HIV ay dulot ng HIV virus. Maaaring mahawa rito sa pamamagitan ng dugo, semen, at anal fluid. Kadalasan itong nangyayari sa pamamagitan ng pakikipagtalik o paghihiraman ng karayom. Tinatawag na HIV ang parehong virus at sakit na dulot nito.

Walang lunas sa HIV, ngunit makokontrol mo ito sa pamamagitan ng paggamot sa HIV. Ang AIDS ang pinakamalalang stage ng sakit na HIV.

Bisitahin ang CDC upang malaman ang higit pang impormasyon at opsyon sa paggamot sa HIV.

Paano Maiiwasan ang HIV

Nakukuha ng karamihan sa mga taong may HIV ang sakit na ito sa pamamagitan ng anal o vaginal na pakikipagtalik, o paghihiraman ng karayom, hiringgilya, o iba pang gamit sa droga (tulad ng mga cooker). Maraming paraan upang maiwasan ang pagkalat ng HIV.

Narito ang ilang tip para manatiling ligtas at malusog:

  • Gumamit ng mga condom sa tuwing makikipagtalik ka. Ang mga condom ay epektibong paraan upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa HIV at iba pang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik (STI).
  • Magpasuri: Dapat magpasuri nang kahit isang beses man lang bilang bahagi ng regular na pangangalagang pangkalusugan ang lahat ng tao na nasa pagitan ng 13 at 64 na taong gulang. Upang malaman ang higit pa tungkol sa pagpapasuri para sa HIV, bisitahin ang CDC.
  • Kausapin ang iyong (mga) partner tungkol sa kanilang HIV status at pagpapasuri para sa STI. Makakatulong ito sa iyo na gumawa ng mga pinag-isipang pasya tungkol sa iyong kalusugan.
  • Magtanong sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) tungkol sa gamot sa HIV gaya ng pre-exposure prophylaxis (PrEP) at post-exposure prophylaxis (PEP).
  • Huwag kailanman makipaghiraman ng karayom. Maaari mong bisitahin ang San Francisco 6th Street Harm Reduction Center para sa kanilang programa sa libreng pagpapapalit ng hiringgilya.

Humingi ng suporta sa SFHP

Kung ikaw ay 12 taong gulang pataas, maaari kang kumuha ng pangangalaga para sa HIV/AIDS nang walang pahintulot ng iyong magulang o mga tagapangalaga. Sinasaklaw ng SFHP ang pangangalaga para sa HIV/AIDS kabilang ang pag-iwas, pagsusuri, at paggamot para sa lahat ng taong may edad na 12 pataas. Hindi kailangang bahagi ng SFHP ang doktor o klinikang pupuntahan mo. Para sa ganitong uri ng pangangalaga, maaari kang pumili ng sinumang doktor ng Medi-Cal. Maaari kang pumunta sa kanila nang walang referral o paunang pag-apruba (paunang pahintulot).

Matuto pa sa iyong Handbook ng Miyembro ng SFHP o bisitahin ang Mga Saklaw na Serbisyo at Benepisyo ng SFHP.

Para sa tulong sa paghahanap ng doktor o pagpunta sa iyong mga pagpapatingin sa kalusugan, maaari kang tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(800) 288-5555 (TTY 1(888) 883-7347 o sa 711).

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.

Higit Pang Tulong mula sa SFHP

  • Serbisyo sa Customer: Masasagot ng aming team ang iyong mga tanong tungkol sa mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan. Tumawag sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o sa 1(415) 547-7830 TTY. Lunes hanggang Biyernes, 8:30am hanggang 5:30pm.
  • Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
  • Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
  • Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.

Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.