Nagbibigay suporta sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay ang mga Serbisyong Dyadic
Nagbibigay ang mga Serbisyong Dyadic ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan para sa higit sa isang tao sa pamilya. Kung nakakaramdam ng kalungkutan o pag-aalala ang isang bata, tinedyer, o matanda sa iyong pamilya, maaari rin itong makaapekto sa ibang tao sa pamilya.
Maaaring makatulong ang pangangalagang dyadic sa taong nakakaramdam ng kalungkutan at iba pang mga miyembro ng pamilya. Tungkol ang lahat ng ito sa pagtiyak na ang bawat tao sa pamilya ay makakakuha ng suporta na kailangan nila.
Sa ilang kultura, maaaring kakaiba ang pag-uusap tungkol sa damdamin. Ayos lang sa mga pamilya na ipahayag ang damdamin nang lantaran o sa tahimik na paraan. Iginagalang ito ng mga Serbisyong Dyadic at naghahanap ng mga paraan upang matulungan ang bawat tao, katulad ng:
- Pakikipag-usap sa mga tao sa isang grupo
- Pakikipag-usap sa bawat tao nang mag isa
- Paglalaro ng mga laro
- Pagguhit
- Paggamit ng musika o iba pang mga kaugalian
Ginagawang malapit sa isa’t isa ng pangangalagang dyadic ang mga pamilya sa pamamagitan ng pakikinig sa mga damdamin at pakikipag-usap nang lantaran. Kapag nagtutulungan at nagbibigay suporta sa isa’t isa ang mga pamilya, gumaganda ang pakiramdam ng lahat.
Humingi ng suporta sa SFHP
Ayos lang na humingi ng tulong kapag nalulungkot ka. Nag-aalok angSFHP ng mga Serbisyong Dyadic para sa mga batang wala pang 21 at sa kanilang (mga) magulang o (mga) tagapag-alaga. Maaari kang makakuha ng pangangalaga sa personal o sa pamamagitan ng telepono o video.
Hindi mo kailangan ng referral. Gumawa ng appointment ngayon sa Carelon Behavioral Health sa 1(855) 371-8117 (libre ang pagtawag) o 1(800) 735-2929 (TTY).
Kailangan mo ng masasakyan?
Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa iyong mga appointment. Itanong sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) o tumawag sa SFHP Serbisyo sa Customer:
- Libre ang pagtawag: 1(800) 288-5555
- Lokal: 1(415) 547-7800
- TTY: 1(888) 883-7347
Mga Oras ng Pagtawag: Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm
Matuto nang higit pa sa mga SFHP Benepisyo at Saklaw na Serbisyo ng.
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.