
Physical Therapy para sa Arthritis sa Tuhod
Maaaring mapigilan ka ng masakit na arthritis sa tuhod na maging aktibo kaysa sa kinakailangan mo. Maaaring hindi ka masyadong makalakad. Maaaring ayaw mong umakyat at bumaba ng hagdan dahil sa pananakit. Pero kapag hindi mo masyadong ginagalaw ang tuhod na iyon, maaaring umikli at maging mas mahina ang mga kalamnan sa paligid nito.
Maaaring makipagtulungan sa iyo ang physical therapist para gumawa ng plano sa paggamot na naaangkop sa problema at mga pangangailangan mo.
Ano ang Physical Therapy?
Ang Physical Therapy ay isang paggamot para sa mga problema sa kalusugan na nagpapahirap na gumalaw at gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain. Makakatulong ito na:
- Pamahalaan ang malulubhang (pangmatagalan) problema sa kalusugan tulad ng arthritis
- Gawing mas madali ang mga pang-araw-araw na gawain, tulad ng paglalakad, pag-akyat ng hagdan, o paghiga at pagbangon sa kama
- Bawasan ang pananakit
- Pigilan ang mga pagkahulog
- Gumaling sa mga pinsala
- Gumaling pagkatapos ng ilang operasyon
Maaaring physical therapy lang ang gamitin o kasama ng iba pang paggamot.
Sinasaklaw ba ng SFHP ang Physical Therapy?
Oo, sinasaklaw ng SFHP ang physical therapy kapag ito ay medikal na kinakailangan (kailangan). Ang medikal na kinakailangang pag-aalaga ay kapag:
- Makatwiran ito at kailangan para maprotektahan ang iyong buhay
- Pinipigilan ka nitong magkasakit nang malubha o magkaroon ng kapansanan
- Binabawasan nito ang matinding pananakit mula sa na-diagnose na sakit, karamdaman, o pinsala
- Kung ikaw ay wala pang 21 taong gulang at kailangan mong ayusin o pawiin ang isang pisikal na karamdaman o kondisyon
Maaari mong matutunan mula sa iyong physical therapist:
- Paano gumagana ang iyong tuhod at ano ang ginagawa ng arthritis sa kasu-kasuan
- Mga paraan para bawasan ang stress sa iyong tuhod, gaya ng pagbubuhat ng mas magagaang dala, pagbabawas ng sobrang timbang, o paggamit ng tungkod
- Paano gamitin ang init o lamig sa bahay para makatulong sa iyong pananakit
- Mga tip para sa mga aktibidad at ehersisyo na gagawing mas malakas ang iyong tuhod
Paano Magpatingin sa Physical Therapist
Ang mga physical therapist ay mga espesyalista na tumutulong sa paggalaw. Sinasaklaw sila ng SFHP kapag medikal na kinakailangan.
Kakailanganin mo ng referral mula sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider o PCP) para magpatingin sa physical therapist. Kapag nakakuha ka ng referral mula sa iyong PCP, may karapatan kang makipagkita sa physical therapist sa loob ng 15 araw ng trabaho.
*Ang isang provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay doktor, katulong ng doktor, o practitioner na nars na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.