Protect Yourself from the Flu

Hindi tulad ng COVID-19, may isang bakuna na makakapigil sa influenza (trangkaso). Lahat ng taong 6 na buwang gulang at mas matanda ay dapat magpabakuna laban sa trangkaso bawat taon.

Hindi perpekto ang bakuna laban sa trangkaso, ngunit mapapababa nito ang posibilidad na magkaroon ka at ang iyong mga mahal sa buhay ng malubhang sakit sa influenza. Mababawasan nito ang mga araw ng pagliban sa trabaho at paaralan, at maiiwasan nito ang pangangailangang manatili sa ospital. Ang trangkaso ay maaaring maging napakalubha, lalo na para sa maliliit na bata at taong may malulubhang problema sa kalusugan tulad ng sakit sa baga o diabetes. Ang COVID-19 ay isang pandemya sa buong taon. Ang influenza ay isang pana-panahong pandemya, na pumapatay ng libo-libong tao sa US bawat taon. Mapoprotektahan mo ang iyong sarili at iba sa trangkaso sa pamamagitan ng pagpapabakuna laban sa trangkaso (bakuna o spray sa ilong) bawat taglagas.


Mapoprotektahan ka ng mga pagkilos na ito laban sa trangkaso at iba pang karaniwang sakit:

  • Hugasan nang madalas ang mga kamay
  • Iwasang hawakan ang iyong mukha gamit ang iyong mga kamay
  • Takpan ang mga pagbahing at pag-ubo gamit ang itaas na bahagi ng iyong braso
  • Iwasan ang close contact sa mga taong may sakit.
  • Manatili sa bahay mula sa trabaho o paaralan kung may sakit ka.

Ang mga miyembro ng Medi-Cal na 19 na taong gulang at mas matanda ay maaaring magpabakuna laban sa trangkaso sa tanggapan ng kanilang doktor o sa parmasya. Ang mga batang 18 taong gulang o mas bata ay maaaring magpabakuna laban sa trangkaso sa tanggapan ng kanilang doktor.