Blog - Allergies

Kung mayroon kang allergy, ang iyong immune system ay may reaksyon sa isang bagay na hindi nakakaabala sa karamihan sa iba pang tao. Ang mga taong may allergy ay kadalasang sensitibo sa mahigit isang bagay. Ang mga taong may mga pana-panahong allergy (na tinatawag ding hay fever o allergic rhinitis) ay may reaksyon sa pollen mula sa mga halaman.

Maaaring magdulot ang mga allergy ng iba’t ibang sintomas, tulad ng:

  • Pangangati sa ilong, itaas ng bibig, lalamunan, mga mata
  • Pagbahing
  • Baradong ilong (congestion)
  • Tumutulong sipon

Paghingi ng Tulong

Kung sa palagay mo ay may mga allergy ka, tawagan ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga. Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga ay ang doktor, nurse practitioner, o assistant ng doktor na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

Source:
Seasonal Allergies at a Glance (NIH)
Allergy (MedlinePlus)