
Agarang Pangangalaga
Tumawag sa tanggapan ng iyong PCP’ anumang oras, sa araw o gabi, upang makahingi ng medikal na payo. Dapat kang makakuha ng appointment para sa agarang pangangalaga ng PCP sa loob ng 48 oras mula nang humiling ka nito. Kapag kailangan mong magpatingin kaagad sa isang doktor dahil may sakit ka o nakakaramdam ka ng pananakit, o may mga sintomas ka na tulad ng kawalan ng ginhawa, lagnat, o bahagyang pananakit, maaari kang pumunta sa anumang Klinika ng Agarang Pangangalaga na malapit sa iyo.

Makipag-usap sa isang Doktor sa Teladoc® nang 24/7 nang LIBRE
Maaari kang magkaroon ng konsultasyon sa telepono o video sa isang doktor ng Teladoc, nang 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
1(800) 835-2362
sfhp.org/teladoc