Pababain ang Inyong Panganib ng Pagkakaroon ng Kanser sa Baga
Alam ninyo bang ang kanser sa baga ang Ika-3 sa pinakakaraniwang kanser sa United States? Ang paninigarilyo ang numero unong salik ng panganib para sa kanser sa baga at nauugnay sa 80% hanggang 90% ng mga pagkamatay dulot ng kanser sa baga. Ang mga taong naninigarilyo ay 15 hanggang 30 beses na mas malamang na magkaroon ng kanser sa baga o mamatay sa kanser sa baga kaysa sa mga taong hindi naninigarilyo. Kahit na ang paninigarilyo nang ilang beses sa isang araw o paminsan-minsan at nagpapataas ng inyong panganib na magkaroon ng kanser sa baga. Maaaring mapababa ng pagtigil sa paninigarilyo sa anumang edad ang panganib na magkaroon ng kanser sa baga.
Ilang paraan upang mapababa ninyo ang inyong panganib na magkaroon ng kanser sa baga:
- Huwag manigarilyo
- Iwasang makalanghap ng usok ng sigarilyo
- Ipasuri ang inyong tahanan kung may radon tulad ng inirerekomenda ng Environmental Protection Agency
- Maging maingat sa trabaho at sundin ang mga alituntunin sa kalusugan upang maiwasan ang anumang carcinogen (mga bagay na maaaring magdulot ng kanser)
May iba’t ibang sintomas para sa kanser sa baga ang iba’t ibang tao. Karamihan sa mga taong may kanser sa baga ay walang sintomas hanggang sa malubha na ang kanser. Ang ilang sintomas ng kanser sa baga ay:
- Lumalalang pag-ubo o hindi nawawala
- Pananakit ng dibdib
- Kinakapos na paghinga
- Paghingal
- Pag-ubo ng dugo
- Pagkapagod sa lahat ng oras
- Pagbaba ng timbang nang walang alam na dahilan
Minsan, ang iba pang sintomas ay paulit-ulit na pagkakaroon ng pneumonia at mga namamagang kulani (mga gland) sa loob ng dibdib sa pagitan ng inyong mga baga. Kung mayroon ka ng anuman sa mga sintomas na ito, makipag-ugnayan sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* (PCP) tungkol sa pagpapa-screen para sa kanser sa baga.
Matuto pa sa Library ng Edukasyong Pangkalusuganng SFHP tungkol sa paninigarilyo at paggamit ng vape .
*Ang Inyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang doktor, katulong ng doktor, o nurse na nangangasiwa sa inyong pangangalagang pangkalusugan.