Mga Hakbang na Dapat Gawin para sa Mabuting Kalusugan
- Makipag-ugnayan sa iyong PCP kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa iyong kalusugan.
- Magpatingin sa isang dentista nang 1-2 beses sa isang taon: Tawagan ang Denti-Cal sa 1(800) 322-6384 upang maghanap ng dentista na malapit sa iyo.
- Magpabakuna laban sa trangkaso bawat taon. Maaari kang magpabakuna laban sa trangkaso simula sa unang bahagi ng taglagas (bandang Agosto).
- Makipag-usap sa iyong PCP tungkol sa anumang damdamin ng kalungkutan, pag-aalala, o galit. Maaati ka ring tumawag para sa pagpapatingin sa kalusugan ng isip sa aming partner na Carelon sa 1(855) 371-8117.
- Tiyaking maayos ang iyong mga relasyon: Kung sa palagay mo ay hindi ka ligtas o may tao sa buhay mo na nagbabanta sa iyo o sumusubok na kontrolin ka, tumawag sa 1(877) 503-1850 para sa linya ng krisis ng Casa de las Madres.
- Hangga’t maaari: Kumain ng masustansyang pagkain, bawasan ang iyong stess, matulog nang sapat, at maging aktibo.
Bisitahin ang sfhp.org/health-wellness para sa higit pang tool na makakatulong sa iyong manatiling malusog.
Ang ilan sa mga ito ay mga tip sa kalusugan, klase sa pag-eehersisyo, grupo para sa pamamahala sa mga problema sa kalusugan, at suporta para sa paghinto sa paninigarilyo.