Anong mga gamot sa hika ang makakatulong sa pagpigil ng pagsumpong ng hika?

Ang hika ay isang kondisyong nakakaapekto sa mga daluyan ng hangin sa iyong baga. Posibleng umubo ka nang madalas at maging mahirap para sa iyong huminga dahil sa hika. Bagaman hindi nagagamot ang hika, puwede kang makipagtulungan sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) para kontrolin ang iyong hika.

Ano ang Nagdudulot ng Hika?

Mahirap maghanap ng isang pangunahing sanhi ng hika. Ayon sa CDC, ang kasaysayan ng pamilya, paraan ng pamumuhay, at ilang partikular na kapaligiran ay maaaring magsanhi ng pagsumpong ng hika.

  • Kung mayroon sa iyong pamilyang may hika, mas malamang na mayroon ka rin nito.
  • Ang mold at dust mite ay maaari ding maging dahilan.
  • Ang paninigarilyo ay nauugnay rin sa pagkakaroon ng hika.
  • Ang polusyon sa hangin at impeksyon sa baga ay maaari ding magdulot ng hika.

Matuto pa tungkol sa kung ano ang maaaring mag-trigger sa iyong hika gamit ang isang Kontrolin ang Iyong Hika na fact sheet ng edukasyong pangkalusugan.

Mga Gamot sa Hika:

Ang pangunahing paraan para kontrolin ang hika at maiwasan ang mga pag-flare up. May dalawang uri ng mga gamot na magagamit mo para gamutin ang hika.

Pangkontrol (pangmatagalan) na gamot:

Ang ganitong uri ng gamot ay nagbibigay ng paraan para kontrolin ang hika at maiwasan ang mga pag-flare up. Ginagamit ito araw-araw o dalawang beses sa isang araw kahit na wala kang sintomas. Makipag-usap sa iyong PCP para malaman kung kailangan mo ng pangkontrol na gamot para sa iyong hika.

Pang-rescue na gamot:

Ang ganitong uri ng gamot ay para sa mga pag-flare up o para gamitin sa oras kung kailan ka sinusumpong ng hika. Nagbibigay ito ng mabilis at pansamantalang ginhawa at maaari itong gumana sa loob ng 4-12 oras. Magagamit ito bago mag-ehersisyo. Ang pang-rescue na gamot ay hindi dapat gamitin nang mahigit sa dalawang beses bawat linggo. Makipag-usap sa iyong PCP kung ginagamit mo ito nang mas madalas kaysa sa karaniwan.

Para sa higit pang impormasyon, tawagan ang Serbisyo sa Customer sa 1(415) 547-7800 o bisitahin ang sfhp.org/health-ed.

Tawagan ang Telepono para sa Payo ng Nurse sa 1(877) 977-3397 o makipag-usap sa isang provider 24/7 sa sfhp.org/teladoc.