Tulong sa stress relief at pagkontrol sa stress
Paano Naaapektuhan ng Stress ang Katawan
Ang bawat tao ay nakakaramdam ng stress sa iba’t ibang paraan. Ang mga karaniwang palatandaan ng stress ay:
- Pakiramdam ng takot, galit, lungkot, pag-aalala, manhid, o pagkabigo.
- Mga pagbabago sa iyong ganang kumain, enerhiya, mga kagustuhan, at mga interes.
- Problema sa pag-focus o pagpapasya.
- Problema sa pagtulog o pagkakaroon ng bangungot.
- Pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, problema sa tiyan, o pantal sa balat.
- Mas lumalala ang iyong mga hindi gumagaling na problema sa kalusugan at isyu sa kalusugan ng isip.
- Pag-inom ng mas maraming alak, paggamit ng mga ilegal na droga (tulad ng heroin, cocaine, o methamphetamine), at maling paggamit ng gamot (tulad ng opioids).
Mga Malusog na Paraan sa Pagkontrol ng Stress
Makakatulong ang paggawa ng mga hakbang upang mabawasan ang iyong stress na pagaanin ang pakiramdam mo. Narito ang ilang paraan kung paano mo puwedeng pamahalaan ang stress:
- Magpahinga mula sa mga balita at/o social media sa iyong telepono, TV, at mga computer. Okay lang na mag-disconnect sa mga device mo.
- Pangalagaan ang iyong katawan sa pamamagitan ng pagkain nang masustansya, pagtulog nang sapat, at pananatiling aktibo.
- Matuto pa at makakuha ng mga tip sa fact sheet sa Pagkain nang Masustansya at Pisikal na Aktibidad.
- Matulog nang sapat. Subukang matulog sa parehong oras gabi-gabi at gumising sa parehong oras. Nangangailangan ang mga nasa hustong gulang ng 7 o higit pang oras ng pagtulog. Iwasan ang anumang caffeinated na inumin tulad ng kape.
- Subukang mag-relax nang mas madalas. Sumubok ng iba’t ibang paraan upang makapag-relax. Puwede mong aralin kung paano gawin ang malalim na paghinga, meditasyon, tai chi, o yoga. Maghanap ng Wellness Class online sa sfhp.org/health-wellness o malapit sa inyo.
- Puwede ka ring gumamit ng maraming tool online o mga smart phone app. I-download ang Insight Timer app o bisitahin an insighttimer.com para sa mga libreng ginagabayang meditasyon at workshop na pinangungunahan ng mga guro sa buong mundo.
- Makipag-usap sa mga taong pinagkakatiwalaan mo tungkol sa iyong nararamdaman. Nag-aalok ang CalHOPE Connect ng suporta sa emosyon na secure at naaangkop sa kultura. Hindi nila kakailanganin ang iyong buong pangalan o apelyido, address, o numero ng telepono. Puwede kang mag-chat anumang oras online sa calhopeconect.org o tumawag sa CalHOPE 24/7 sa 1(833) 317-4673.
Humingi ng Tulong
Kung hindi nawawala o lumalala pa ang stress mo sa paglipas ng panahon, kausapin ang iyong *Provider ng Pangunahing Pangangalaga (Primary Care Provider o PCP.)
Puwedeng makipag-usap ang mga miyembro ng Medi-Cal sa isang Espesyalista sa Kalusugan ng Pag-uugali nang walang bayad sa Carelon Behavioral Health. Tumawag sa 1(855) 371-8117 para matuto pa o para magpa-appointment.
*Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Higit Pang Tulong mula sa SFHP
- Serbisyo sa Customer: Para sa higit pang impormasyon, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.
- Mga Serbisyo ng Interpreter: Maaari kang kumuha ng interpreter sa personal o sa telepono para sa iyong mga pagbisita para sa kalusugan. Kapag nagpa-appointment ka, isabay na rin ang paghiling ng interpreter.
- Kailangan ng Masasakyan? Matutulungan ka ng SFHP na makakuha ng transportasyon papunta sa anumang medikal na appointment na saklaw ng Medi-Cal. Magtanong sa iyong provider o tumawag sa Serbisyo sa Customer.
- Interesado sa Mga Benepisyo ng Medi-Cal? Tingnan kung makakakuha ka o ang iyong pamilya ng Medi-Cal sa pamamagitan ng SFHP.
Alamin pa ang tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo at serbisyo sa Medi-Cal.