Pag-unawa sa Mood at Mga Emosyonal na Pagbabago sa Ganitong Panahon
Maaaring makaapekto sa iyong mood ang pagbabago ng mga panahon at maaari nitong gawing mas mahirap ang pagkontrol ng mga emosyon mo. Maaari itong humantong sa Seasonal Affective Disorder (SAD) na isang uri ng depresyon. Kung may SAD ka, hindi ka nag-iisa.
Nangyayari ang SAD sa panahon ng taglagas at taglamig kung kailan mas madalang ang pagsikat ng araw, at mas mabilis sumapit ang gabi. Nawawala ang mga sintomas ng SAD sa panahon ng tagsibol at tag-init kung kailan mas madalas na maaraw, at mas matagal bago dumilim.
Hindi magkakapareho ang mga sintomas ng lahat ng may SAD, ngunit maaaring kabilang sa mga ito ang:
- Malungkot, balisa, o “blangko” na pakiramdam
- Pakiramdam na nawawalan ng pag-asa, nakokonsensya, walang silbi, o walang magawa
- Pagkawala ng interes sa mga bagay na dati mong ikinatutuwa
- Labis na pagod at pagkatamlay
- Nahihirapan sa pagtuon, pag-alala, o pagpapasya
- Pag-iisip tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay
- Pagkain nang labis-labis o napakakaunti
- Labis na pagtulog o pagiging kulang sa tulog
- Hindi pakikisalamuha sa mga kaibigan at pamilya
- Pagkairitable o pagkabagabag
Kausapin ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (PCP) kung sa palagay mo ay may SAD ka.
Nagagamot ang SAD. Maaaring kabilang sa paggamot ang 1 o higit pa sa mga opsyong ito:
- Sunlight therapy
- Mga Vitamin D na supplement
- Gamot
- Therapy sa kalusugan ng isip
Alamin kung paano tatalakayin ang tungkol sa kalusugan ng pag-iisip sa iyong pamilya at mga kaibigan.
Kailangan ng Tulong:
Kung ikaw o ang isang taong kilala mo ay nahihirapan o nakakaranas ng krisis, may magagamit na tulong. Tumawag o mag-text sa 988 o mag-chat online sa 988lifeline.org.
Kung nakakaramdam ka ng lungkot o blangko ang pakiramdam mo nang mahigit sa 2 linggo, makipag-ugnayan sa iyong doktor. O tumawag sa Carelon Behavioral Health sa
*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.