Ang mga problema sa mata ay pangkaraniwan, at hindi alam ng maraming tao na kailangan nila ng salamin o mga contact lens. Maaari ding walang sintomas sa mga unang yugto ang ilang problema sa mata. Ang mga routine na pagsusuri para sa mata ay makakatulong para magkaroon ka ng malinaw na paningin at protektahan ka laban sa pagkawala ng paningin.
Ang San Francisco Health Plan (SFHP) ay nakikipagtulungan sa Vision Service Plan (VSP) para makakuha ka ng pangangalaga sa paningin. Nakikipagtulungan ang VSP sa ilang partikular na provider para sa paningin. Maaari kang makatanggap ng pangangalaga sa paningin mula sa mga provider na ito ng VSP.
Maghanap ng provider para sa paningin sa vsp.com o tumawag sa 1(800) 877-7195. Kapag tumawag ka sa isang provider ng VSP, pakisabi na ikaw ay isang “miyembro ng VSP.”
Kung makakatanggap ka ng pangangalaga mula sa isang provider para sa paningin na hindi nakikipagtulungan sa VSP (wala sa network), maaaring hindi ito saklaw nito. Kung nagbayad ka mula sa sariling bulsa, hindi garantisadong ibabalik ang ibinayad mo.
Paano Magpatingin sa Isang Espesyalista
Maaari kang magpatingin sa isang espesyalista kung kailangan mo ng pangangalaga ng eksperto para sa isang partikular na problema. Ang mga ophthalmologist ay isang uri ng espesyalista na nagsasagawa ng operasyon sa mata. Sila ay saklaw ng SFHP. Madalas silang nakikipagtulungan sa iyong optometrist.
Nagpapatingin ka sa ophthalmologist para sa:
- Operasyon o mga procedure sa mata.
- Anumang problema sa balat na malapit sa iyong mga mata (tulad ng mga kuntil o nunal).
- Paggamot para sa mga kumplikadong kondisyon sa kalusugan ng mata, gaya ng katarata (malabong paningin) at glaucoma (mga sakit sa mata na nakakapinsala sa iyong mga mata).