Gabay ng magulang sa mga malusog na ngipin at gilagid sa mga bata

Ang mga magulang at tagapag-alaga ay may mahalagang papel sa kalusugan ng bibig ng kanilang anak. Itinatakda ng pag-aalaga sa mga ngipin at gilagid ng iyong anak ang daan tungo sa panghabambuhay na malulusog na ngiti.

Narito kung paano panatilihing malusog ang mga ngipin ng iyong mga anak:
  • Ang Kapangyarihan ng Fluoride: Ang fluoride ay nagsisilbing pamproteksyong takip para sa mga ngipin. Pinapatibay nito ang enamel (ang panlabas na layer ng mga ngipin). Nilalabanan din nito ang mga bacteria na nagdudulot ng mga sira sa ngipin. Ang mga fluoride varnish treatment ay makakatulong na maiwasan ang mga sira sa ngipin at makakabuo ng matitibay na ngipin para sa iyong mga anak.
  • Magsimulang Matibay: Bago pa man tumubo ang unang ngipin ng iyong sanggol, marahang linisin ang gilagid ng sanggol mo gamit ang malambot na tela. Sa sandaling lumabas ang mga ngipin, gumamit ng kaunting pahid ng fluoride toothpaste para simulang protektahan ang kanyang mga ngipin. 4
  • Gumawa ng Routine ng Pagsisipilyo ng Pamilya: Magsipilyo nang magkasama sa loob ng 2 minuto, dalawang beses sa isang araw. Gumamit ng maliit na butil ng fluoride toothpaste sa sandaling kaya na itong idura ng iyong anak.
  • Magsanay sa Pag-floss: Habang nagsisimulang magdikit ang mga ngipin, simulang mag-floss. Mahalagang panatilihing malinis at malusog ang mga puwang sa pagitan ng mga ngipin.
  • Kumain ng Masusustansyang Meryenda: Maging halimbawa sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang meryenda tulad ng mga prutas, gulay, at keso. Sinusuportahan ng balanseng diyeta ang mga benepisyo ng fluoride.
  • Gumamit ng Mga Bagong Sepilyo: Palitan ang sepilyo ng iyong anak kada 3-4 na buwan. At ipaalala sa kanya: ang mga ngipin ay para sa pagnguya, mahalin ang iyong mga ngipin, at protektahan ang mga ito!

Makakuha ng $50 Gift Card para sa Unang Fluoride Treatment ng Iyong Anak

Mahalaga ang mga routine na pagbisita sa dentista. Makakapagbigay ang dentista ng iyong anak o ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primarycare provider o PCP) ng fluoride varnish treatment para maiwasan ang pagkabulok ng ngipin.

Ang lahat ng batang may edad na 12 buwan (1 taon) hanggang 47 buwan (3 taon at 11 buwan) ay maaaring makakuha ng fluoride varnish sa kanilang dentista o PCP nang walang bayad. Makakuha ng $50 Gift Card para sa Unang Fluoride Treatment ng Iyong Anak

Pagkatapos ng unang pagbisita para sa fluoride varnish ng iyong anak, makakakuha ka ng $50 gift card sa koreo! Matuto pa sa sfhp.org/rewards.

Paghahanap ng Dentista

Maghanap ng dentista para sa iyong anak San Francisco Department of Public Health o tumawag sa Women & Children’s Health Referral Line sa 1(800) 300-9950. Para sa mga tanong, bisitahin ang dental.dhcs.ca.gov o tumawag sa 1(800) 322-6384, TTY 1(800) 735-2922.

Matuto pa:

Maaaring mapanatili ng pasisipilyo, pag-floss, pagkain ng masustansyang pagkain, mga regular na pagbisita sa dentista, at mga fluoride varnish treatment ang malusog at maayos na mga ngipin ng iyong anak.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kalusugan ng bibig ng mga bata, bisitahin ang CDC.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider o PCP) ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner.