
Naghahanap ang SFHP ng mga miyembro na sasali sa aming Komite sa Pagpapayo ng Miyembro (Member Advisory Committee o MAC) simula sa 2024.
Kapag sumali ka sa MAC, dadalo ka sa 4 na pagpupulong nang personal.
Sa bawat pagpupulong, magagawa mong:
- Magsalita para sa iba pang miyembro ng SFHP at iyong komunidad.
- Tulungan ang SFHP na gumawa ng mga tamang pasya tungkol sa pangangalaga.
- Ibahagi ang iyong mga ideya at alalahanin tungkol sa pangangalaga, mga programa, at mga serbisyo ng SFHP.
Maaari kang bigyan ng SFHP ng reimbursement para sa mga gastos sa pagbiyahe at pangangalaga ng bata upang makadalo sa mga pagpupulong ng MAC. Makakatanggap ang mga miyembro ng SFHP ng nakatakdang halaga ng pera upang makadalo sa bawat pagpupulong ng MAC.
Upang mag-apply, sagutan ang isang ligtas na online form.