Blog Open Enrollment English

Ang unang hakbang sa pagpapatala sa San Francisco Health Plan ay alamin kung kwalipikado ka o ang iyong anak para sa alinman sa aming mga programa.

Para alamin kung aling programa ang akma, may ilang bagay kaming itatanong tungkol sa kita ng pamilya, edad, paninirahan sa San Francisco at sa ilang sitwasyon, katayuan bilang mag-aaral o magulang. Tingnan ang mga alituntunin ng Medi-Cal sa kita ng sambahayan.

Ang Service Center ng SFHP ay isang lugar kung saan ka puwedeng pumunta para kumuha ng impormasyon tungkol sa mga opsyon sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan para sa iyo at iyong pamilya. Available ang aming Pangkat sa Pagpapatala, sa pamamagitan ng appointment, para tumulong sa iyong aplikasyon sa Medi-Cal.

Tingnan kung kwalipikado ka o ang iyong anak.

Mga Petsa ng Bukas na Pagpapatala


Ang Bukas na Pagpapatala ay bukas sa buong taon.
Ang Bukas na Pagpapatala ay sa pagitan ng ika-1 ng Nobyembre, 2021 at ika-31 ng Enero, 2022.