Maaari ka na ngayong makakuha ng Medi-Cal kung tinanggihan ka noon

Binago ng California ang mga patakaran sa asset para sa Medi-Cal. Simula Enero 1, 2024, hindi na isasaalang-alang ang mga pag-aari mong asset kapag nag-apply ka para sa Medi-Cal. Ang mga asset ay ang mga bagay na iyong pag-aari, na maaaring isaalang-alang sa pagiging kwalipikado para sa Medi-Cal Maaaring ito ay isang bank account, pera, pangalawang kotse, pangalawang bahay na pag-aari mo, at iba pang mapagkukunan ng pera.

Kung ipinagkait sa iyo ang Medi-Cal noon, makakakuha ka na nito ngayon. Kung tinanggihan, naantala, nabawasan, o natigil ang iyong Medi-Cal dahil sa iyong mga asset, maaari kang makipag-usap sa Opisina ng Medi-Cal sa San Francisco (San Francisco Human Health Services Agency) at hilingin sa kanilang suriin ang iyong kaso.

Maaari kang tumawag sa Opisina ng Medi-Cal sa San Francisco sa 1(855) 355-5757 o 1(415) 355-6756 (TTY), o mag-email sa [email protected].


Kung mayroon kang Medi-Cal ngayon, hindi mo na kailangang iulat ang iyong mga asset kapag oras na para mag-renew. Ibig sabihin nito, makakaipon ka ng pera para sa isang emergency, para kapag tumigil kang magtrabaho, para bumili ng kotse, o para bumili ng bahay nang hindi magbabago ang iyong pagiging kwalipikado sa Medi-Cal.

*Isasaalang-alang pa rin ang kita para sa pagiging kwalipikado sa Medi-Cal.

Mga Madalas Itanong

Kung may Medi-Cal ako, may kailangan ba akong gawin ngayon?
Wala kayong anumang kailangang gawin. Kapag nakatanggap ka sa koreo ng liham ng pag-renew sa Medi-Cal, dapat mo itong punan at ibalik sa pamamagitan ng koreo, telepono, personal, o online.

Kabilang ba sa mga asset ang kita?
Hindi, ang mga asset ay mga bagay na pag-aari mo. Hindi kasama sa mga ito ang kita, tulad ng social security, mga bayad sa pagreretiro, o buwanang kita.

Mawawala na ba ang mga limitasyon sa kita?
Hindi, nalalapat lang ang bagong panuntunan sa mga limitasyon sa asset sa Medi-Cal. Binabago bawat taon ang mga limitasyon sa kita batay sa Mga Federal Poverty Level.

Sino ang kwalipikado para sa Medi-Cal?
Maaari kang maging kwalipikado sa Medi-Cal kung:

  • Nakatira ka sa California
  • Matutugunan mo ang mga kinakailangan para sa pagiging kwalipikado ng kita at ng sambahayan

Matuto pa sa website ng DHCS sa Limitasyon sa Asset sa GetMedi-CalCoverage.dhcs.ca.gov.

Kung mayroon kang mga tanong o kung kailangan mo ng tulong, maaari kang tumawag sa Opisina ng Medi-Cal sa San Francisco sa 1(855) 355-5757 o 1(415) 355-6756 (TTY), o mag-email sa [email protected].