1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Benepisyo sa Pangangalagang Pang-iwas sa Pagkakasakit

Pinapanatili Kang Malusog

Bilang isang miyembro ng SFHP, may access ka sa mga serbisyong makakatulong sa iyo na manatiling malusog. Nilalayon sa mga serbisyong ito na makita ang mga problema sa kalusugan nang maaga at mapigilan ang paglala ng mga ito.


Bakit Mahalaga ang Pangangalagang Pang-iwas sa Pagkakasakit

Natutulungan ka ng pangangalagang pang-iwas sa pagkakasakit na manatiling malusog. Matutulungan ka nito na maiwasan ang pagkakaroon ng mga seryosong problema sa kalusugan tulad ng diabetes, sakit sa puso, at kanser. Matutulungan ka rin nitong mapamahalaan ang mga problema sa kalusugan na mayroon ka na.


Mga Serbisyong Saklaw ng SFHP

Sinasaklaw ng SFHP ang maraming serbisyong pang-iwas sa pagkakasakit nang wala kang babayaran. Kabilang sa mga serbisyong ito ang:

Kalusugan ng Pag-uugali: Ang pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali tulad ng pagpapayo ay makakatulong sa iyong gumawa ng maiinam na desisyon, tulad ng pagtigil sa paninigarilyo o pagkontrol sa iyong timbang.

Mga Pagpapatingin: Makakatulong sa iyo ang mga regular na pagpapatingin sa iyong doktor para manatiling malusog at matalakay ang anumang alalahanin mo sa kalusugan.

Mga Serbisyo ng Community Health Worker: Makakuha ng suporta mula sa mga community health worker na makakatulong sa iyo na malaman ang mga detalye ng iyong pangangalagang pangkalusugan at makapag-uugnay sa iyo sa mga resource.

Matuto Pa »

Pangangalaga sa Ngipin: Panatilihin ang iyong mga ngipin at gilagid na malusog sa pamamagitan ng mga pagpapasuri at pagpapalinis ng ngipin.

Matuto Pa »

Edukasyong Pangkalusugan at Mga Klase tungkol sa Kalusugan: Alamin kung paano manatiling malusog sa pamamagitan ng mga klase at programang pang-edukasyon. Maaaring kabilang sa mga paksa ang masustansyang pagkain, pag-eehersisyo, at pagkontrol sa stress.

Prenatal na pangangalaga: Mahalaga ang prenatal na pangangalaga para sa mga buntis. Ito ay tumutulong na tiyaking malusog ang pagbubuntis at ang sanggol. Sinasaklaw ng Medi-Cal ang prenatal na pangangalaga, kabilang ang mga serbisyo ng doula, upang magbigay ng suporta sa panahon ng pagbubuntis, panganganak, at pagkapanganak.

Mga screening: Sa pamamagitan ng mga screening, matutukoy at magagamot nang maaga ang mga problema sa kalusugan. Maaari kang magpa-screen para sa diabetes, mataas na presyon ng dugo, mga impeksyong naipapasa sa pakikipagtalik (sexually transmitted infections o STIs), at marami pang iba.

Sensitibong Pangangalaga: Makakuha ng pangangalaga para sa mga sensitibong isyu sa kalusugan sa isang ligtas at mapagsuportang lugar. Maaaring kabilang sa mga paksa ang pagbubuntis, pag-iwas sa STI/HIV, paggamot sa paggamit ng substance, at marami pang iba. Kung wala ka pang 18 taong gulang, maaari kang makakuha ng ilang partikular na serbisyo nang walang pahintulot mula sa isang magulang o tagapag-alaga.

Mga Bakuna: Mapoprotektahan ka ng mga bakuna mula sa mga seryosong sakit na tulad ng trangkaso, tigdas, at tetanus (o “lockjaw”).

Pangangalaga sa Paningin: Pangalagaan ang iyong mga mata sa pamamagitan ng mga screening para sa paningin at eksaminasyon sa mata.

Matuto Pa »

Mga Pagpapatingin para sa Well-child Care: Mahalaga para sa mga bata ang mga pagpapatingin para sa well-child care. Tumutulong ang mga ito na tiyaking lumalaki at umuunlad ang mga bata gaya ng inaasahan.

Matuto Pa »

Makakuha ng Mga Reward

Maaaring kwalipikado kang makakuha ng mga $50 na gift card para sa pagkuha ng ilang partikular na screening sa kalusugan. Bisitahin ang Mga Reward sa Kalusugan para malaman ang higit pa at matingnan kung maaari kang makakuha ng gift card.


Paano Kumuha ng Pangangalagang Pang-iwas sa Pagkakasakit

Madali lang kumuha ng pangangalagang pang-iwas sa pagkakasakit sa SFHP. Tumawag lang sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) para magpa-appointment. Ang isang PCP ay ang iyong pangunahing doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner. Makikita mo ang numero ng telepono ng iyong PCP sa iyong SFHP ID card. O, maaari kang maghanap ng isang PCP na malapit sa iyo sa Direktoryo ng Provider.

Maraming serbisyong pang-iwas sa pagkakasakit ang maaaring gawin sa panahon ng iyong regular na pagbisita, kaya hindi mo na kailangan ng hiwalay na appointment. Tanungin ang iyong PCP kung anong mga bakuna at pagsusuri ang maaaring naaangkop para sa iyo.


Pangasiwaan ang Iyong Kalusugan

Huwag nang hintaying magkasakit ka bago magpatingin sa isang doktor. Pangasiwaan ang iyong kalusugan ngayon sa pamamagitan ng paggamit ng mga benepisyo sa pangangalagang pang-iwas sa pagkakasakit na makukuha mo sa pamamagitan ng SFHP. Sa pamamagitan ng pangangalaga sa iyong sarili, maaari kang magkaroon ng mas malusog na pamumuhay.

Hindi pa miyembro ng SFHP?

Alamin ang iyong mga opsyon sa pangangalagang pangkalusugan at tingnan kung makakakuha ka ng Medi-Cal sa sfhp.org/qualify.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.