Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-uugali
Maaaring mag-alok sa iyo ang Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pa-uugali ng San Francisco (SFBHS) ng suporta katulad ng:
- Pagpapayo sa kalusugan ng pag-iisip
- Isang tagapagpayo kaugnay ng paggamit ng droga
- Impormasyon sa iyong mga benepisyo
- Impormasyon sa mga provider sa iyong network
- Impormasyon sa mga claim sa health insurance
Para matuto nang higit pa, tumawag sa
988 Lifeline ng Pagpapakamatay at Krisis
Kung nagkakaroon ka ng isang krisis sa kalusugan ng pag-iisip ay maaari kang tumawag sa 988 upang makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo sa isang lokal na sentro ng krisis. Maaari silang mag-alok sa iyo ng suporta para sa kung ano ang iyong pinagdadaanan. Sasagutin ng SFHP ang gastos para sa pangangalaga na ibinigay ng isang sentro ng tulong sa krisis o isang mobile crisis unit. Maaari kang makakuha ng serbisyong pangkalusugan ng isip mula sa anumang sentro ng tulong sa krisis o mobile na yunit, kahit na wala sila sa network ng mga provider ng SFHP. Maaari mong makuha ang pangangalaga na ito nang hindi kinakailangang kumuha ng pahintulot mula sa SFHP.