Mga Serbisyo ng Pangangalaga sa Ngipin
Ang pagiging kwalipikado sa serbisyo ng pangangalaga sa ngipin para sa Healthy Workers HMO ay partikular sa employer ng In-Home Supportive Services (IHSS). Makakatanggap ng mga serbisyo ng pangangalaga sa ngipin ang mga empleyado ng IHSS Public Authority kung miyembro sila ng Healthy Workers HMO sa loob ng anim na buwan. Kung isa kang empleyado ng IHSS at kwalipikado ka para sa mga serbisyo ng pangangalaga sa ngipin, makakahanap ka ng dentista sa pamamagitan ng pagtawag sa Liberty Dental Plan sa 1(888) 703-6999.
Maaaring kasama sa mga sinasaklaw na serbisyo ng pangangalaga sa ngipin ang:
- Pangangalagang Diagnostic at Pang-iwas sa Sakit, gaya ng mga eksaminasyon, x-ray, at pagpapalinis
- Mga Pang-emergency na Serbisyo para sa pagkontrol sa pananakit
- Mga Serbisyo sa Pagpapanumbalik, gaya ng mga pasta
Masasagot din ng Liberty Dental Plan ang iba pang tanong tungkol sa mga benepisyo sa ngipin, tulad ng paano magpalit ng dentista, o paano maghain ng karaingan.
May iba pang espesyal na serbisyong iniaalok gaya ng mga root canal at paggamot sa gilagid. Mapapayuhan ka ng iyong dentista tungkol sa pinakamabuting plano ng paggamot para sa iyong mga ngipin, at maipapaliwanag niya kung aling mga serbisyo ang pinapayagan sa ilalim ng iyong programa ng mga benepisyo sa pangangalaga ng ngipin.
Kung mayroon kang anupamang tanong tungkol sa iyong mga benepisyo ng miyembro ng Healthy Workers HMO, mag-email sa Serbisyo sa Customer ng San Francisco Health Plan, o tumawag sa amin sa 1(800) 288-5555, Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm.
Kung isa kang pansamantala at exempt as-needed na empleyado ng Lungsod at County ng San Francisco, hindi ipinagkakaloob ang mga serbisyo ng pangangalaga sa ngipin. Para sa higit pang impormasyon tungkol dito, mangyaring tumawag sa Department of Human Resources sa 1(415) 557-4942.