Mga Serbisyo sa Parmasya at Maghanap ng Parmasya
Tiyaking sasabihin sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan na may pinipili kang parmasya upang maipadala ang iyong mga reseta sa tamang lokasyon ng parmasya. Upang makuha ang iyong mga gamot, ipakita ang iyong San Francisco Health Plan Member ID Card sa mga tauhan ng parmasya sa pinili mong parmasya.
Para sa higit pang impormasyon o upang tingnan kung sinasaklaw ang isang partikular na gamot sa ilalim ng programang Healthy Workers HMO, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800 o sa 1(800) 288-5555 nang toll free.
Ano ang pormularyo ng gamot?
Ang SFHP ay may pormularyo ng gamot. Ang pormularyo ng gamot ay ang listahan ng mga gamot na babayaran ng SFHP. Kahit na nakalista ang isang gamot sa pormularyo ng gamot ng SFHP, maaaring piliin ng iyong doktor na huwag ireseta ito para sa iyong partikular na kundisyon. May kasama ring mga Pinili at hindi Piniling gamot sa pormularyo. Ang co-payment para sa mga piniling gamot ay $5 (mga generic) at ang co-payment para sa mga hindi Piniling gamot ay $10 (mga branded).
Sumangguni sa iyong Ebidensya ng Saklaw sa Healthy Workers HMO at/o Buod ng Mga Benepisyo at Saklaw para sa higit pang impormasyon tungkol sa iyong mga benepisyo sa inireresetang gamot. Kung gusto mong malaman kung sinasaklaw ang iyong inireresetang gamot, sumangguni sa Pormularyo ng Gamot ng San Francisco Health Plan.
Maghanap ng Parmasya
|
|
Healthy Workers HMO Mga Form ng Reimbursement ng Reseta ng Gamot
Ano ang Direct Member Reimbursement?
Kung ikaw ay isang kwalipikadong miyembro ng Healthy Workers HMO at nagbabayad ka ng reseta na sakop ng plano mo, pwede mong hingin ang pera na ito pabalik. Upang gawin ito, maaari mong punan ang isang form ng claims at ibigay sa amin ang mga resibo mo ng pagbabayad. Tinatawag ang prosesong ito na Direct Member Reimbursement (DMR).
Kailan ko gagamitin ang DMR?
Maaari mong makuha ang pera na ibinayad mo para sa isang sakop na reseta kapag:
- Isa kang aktibong miyembro ng Healthy Workers HMO, ngunit hindi mo ibinigay sa botika ang iyong card ng pagkakakilanlan ng miyembro (ID).
- Pumunta ka sa isang botika na wala sa network ng Healthy Workers HMO.
- Pumunta ka sa isang botika sa labas ng lugar na sakop ng San Francisco Health Plan at Healthy Workers HMO.
Kakailanganin mo pa ring magbayad ng isang copay para sa karamihan ng mga gamot.
Paano ako makakapagsumite ng claim para sa DMR?
-
Kumpletuhin ang form ng DMR na matatagpuan sa ibaba at ipadala ito pabalik sa amin kasama ang iyong mga resibo sa pagbabayad.
DMR Form -
Ipadala sa pamamagitan ng koreo o i-fax ang form ng DMR at ang iyong mga resibo ng pagbabayad sa amin. Ipadala sa pamamagitan ng koreo sa:
Magellan Health Services
Attn: Claims Department
P.O. Box 1599
Maryland Heights, MO 63043 - Numero ng fax: 1(800)-424-7578.
Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabasa ng sulat na ito sa ibang wika, mangyaring makipag-ugnayan sa San Francisco Health Plan sa 1(800) 288-5555.