1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Transportation Services

Ang mga miyembro ng San Francisco Health Plan (SFHP) Healthy Workers HMO ay may access sa hindi pang-emergency na medikal na transportasyon (non-emergency medical transportation, NEMT). Available ang NEMT kapag hindi ka makagamit ng pampublikong transportasyon upang makapunta sa mga pangkalusugang pagbisita. Ang NEMT ay gumagamit ng ambulansya, gurney/litter van, wheelchair van, o sasakyang panghimpapawid. Tumutulong ang NEMT sa mga miyembrong nangangailangan ng suporta sa pagpasok at paglabas ng kanilang sasakyan at/o nangangailangan ng medikal na pangangasiwa sa panahon ng biyahe. Ang Hindi Pangmedikal na Transportasyon (Non-Medical Transportation, NMT) ay hindi isang benepisyo ng Healthy Workers HMO.

Kakailanganin ng iyong doktor na hilingin ang serbisyo bago mo magamit ang NEMT. Kailangang punan ng iyong doktor ang form ng Pahayag ng Sertipikasyon ng Doktor (Physician Certification Statement, PCS) upang makapagreseta ng uri ng transportasyon na kailangan mo. Ang form na ito ay available sa iyong doktor:

  • Online sa sfhp.org
  • Sa pamamagitan ng pagtawag sa Linya ng Transportasyon ng SFHP sa 1(415) 547-7807
  • Sa pamamagitan ng pag-email sa nemt@sfhp.org

Dapat suriin at aprubahan ng SFHP ang iyong kahilingang gamitin ang NEMT sa loob ng hindi bababa sa limang (5) araw ng negosyo bago ang iyong nakatakdang pagbisita. Mangyaring tumawag sa lalong madaling panahon para sa mga agarang pagbisita.

Ang SFHP ay nakikipagtulungan sa Modivcare upang isaayos ang NEMT. Upang mag-ayos o mag-follow up ng isang kahilingan para sa transportasyon, mangyaring tumawag sa Modivcare sa 1(855) 251-7098, Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.

Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQ)

Isang miyembro ng Healthy Workers HMO, miyembro ng pamilya, tagapag-alaga, o kawani ng medikal na pasilidad.

Ang Modivcare ang magpapasya sa iyong oras ng pagsundo batay sa kung gaano katagal aabutin ang pagpunta sa iyong pagbisita.

Maging handa sa iyong pagsakay sa loob ng hindi bababa sa 15 minuto bago ang nakatakdang oras ng pagsundo. Ang mga driver ay maghihintay lamang ng 5 minutong lampas sa iyong nakatakdang oras ng pagsundo, kaya mangyaring maging handa kapag dumating na ang iyong sasakyan.

Kung hindi ka nagplano ng itinakdang oras ng pagsundo kapag tapos na ang iyong pagbisita, tumawag sa “Nasaan ang Sundo Ko?” sa 1(855) 251-7098.

Tawagan ang “Nasaan ang Sundo Ko?” sa 1(855) 251-7098 upang ipaalam ito sa team ng Modivcare.

Higit pang Impormasyon

  • Oras ng Pag-drop Off: Dapat ma-drop off ng mga driver ang mga miyembro nang hindi bababa sa 15 minuto bago ang kanilang nakatakdang pagbisita. Halimbawa, kung ang pagbisita ay 10:00am, dapat na-drop off ka na nang hindi lalampas sa 9:45am. Kukumpirmahin ng Modivcare o SFHP ang iyong oras ng pagsundo batay sa kung gaano katagal aabutin ang pagpunta sa iyong pagbisita. Mahalaga na maging handa para sa iyong oras ng pagsundo.
  • Kasama o Attendant ng Personal na Pangangalaga: Kung kinakailangan, maaari kang samahan ng isa pang tao sa iyong pagbisita. Kapag nag-iiskedyul ng iyong pagbisita, ipaalam sa Modivcare o SFHP na may sasama sa iyo.
  • Mga Menor de Edad na Walang Kasama: Ang transportasyon ay available sa mga walang kasamang menor de edad kapag hindi iniaatas ng batas ng California o ng pederal na batas ang pahintulot ng magulang para sa serbisyo ng isang menor de edad (“pahintulot ng menor de edad”). Para sa mga serbisyong iba sa serbisyo ng “pahintulot ng menor de edad”, mag-aatas ang SFHP ng nakasulat na pahintulot ng magulang o tagapag-alaga para sa mga walang kasamang menor de edad na bibiyahe nang mag-isa.

Upang makapagsaayos ng NEMT, tumawag sa:

Serbisyo sa Customer ng Modivcare
1(855) 251-7098
Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm

Coordinator ng Transportasyon ng SFHP
1(415) 547-7807
Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:00pm

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.