May bagong hitsura ang website namin! Sa mas simpleng navigation at mas mahusay na functionality, mas pinadali na ngayon ng aming bagong disenyo ang pagkuha sa pangangalaga at impormasyon na kailangan mo.

1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Iyong Mga Karapatan at Responsibilidad

Iyong Mga Karapatan at Responsibilidad

Bilang miyembro ng SFHP Healthy Workers HMO, may karapatan ako na:

  • Itrato nang may paggalang, kahit ano pa ang aking kasarian, kultura, wika, hitsura, sekswal na oryentasyon, lahi, pagkakaroon ng kapansanan, o kakayahang pang-transportasyon.
  • Tumanggap ng impormasyon tungkol sa lahat ng serbisyong pangkalusugan na magagamit ko, kabilang ang isang malinaw na pagpapaliwanag kung paano kukunin ang mga ito.
  • Pumili ng PCP mula sa Direktoryo ng Provider ng SFHP Healthy Workers HMO Program upang magbigay o mag-ayos ng lahat ng pangangalagang kailangan ko.
  • Tumanggap ng mahusay at naaangkop na medikal na pangangalaga kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan na pang-iwas sa sakit at edukasyong pangkalusugan.
  • Makilahok nang aktibo sa mga desisyon hinggil sa aking medikal na pangangalaga. Sa hangganang pinahihintulutan ng batas, may karapatan din akong tanggihan o ihinto ang paggamot.
  • Tumanggap ng sapat na impormasyon upang matulungan akong gumawa ng may-kabatirang desisyon bago ako tumanggap ng paggamot.
  • Malaman at maintindihan ang aking medikal na kundisyon, plano sa paggamot, inaasahang kalalabasan, at mga epekto ng mga ito sa aking araw-araw na pamumuhay.
  • Maghain ng reklamo o karaingan kung hindi natutugunan ang aking mga pangangailangan kaugnay sa wika.
  • Maipaliwanag sa akin ang kahulugan at mga limitasyon ng pagkakumpidensiyal. Kung isa akong menor de edad, naiintindihan ko na maaaring kailangang makipag-usap ang aking doktor o iba pang tauhan sa aking mga magulang o tagapag-alaga tungkol sa ilang partikular na isyu. Kung mangyayari ito, ganap ding tatalakayin sa akin ang impormasyon.
  • Magkaroon ng mga kumpidensiyal na rekord sa kalusugan, maliban na lang kapag kinakailangan ang paghahayag nito o iniaatas iyon ng batas o may pahintulot ko sa kasulatan. Kung may sapat na paunawa, may karapatan akong suriin ang aking mga medikal na rekord kasama ang aking PCP.
  • Malaman ang tungkol sa anumang paglipat sa ibang ospital, kabilang ang impormasyon kung bakit kailangan ang paglipat at ang mga magagamit na alternatibo.
  • Kumuha ng referral mula sa aking PCP para sa pangalawang opinyon.
  • Makilahok sa pagtatakda ng pampublikong patakaran ng SFHP, gaya ng nakabalangkas sa Ebidensya ng Saklaw na ito.

Mga Responsibilidad ng Miyembro

Bilang miyembro ng Healthy Workers HMO, may responsibilidad ako na:

  • Basahin kaagad nang mabuti ang lahat ng materyal ng SFHP pagkatapos kong magpatala upang maunawaan ko kung paano gagamitin ang aking mga Benepisyo sa SFHP.
  • Magtanong kapag kinakailangan.
  • Sundin ang mga probisyon ng aking membership sa SFHP gaya ng ipinapaliwanag sa Ebidensya ng Saklaw na ito.
  • Maging responsable para sa aking kalusugan.
  • Sundin ang mga plano sa paggamot na ginawa ng aking doktor para sa akin at pag-isipan at tanggapin ang mga posibleng kahihinatnan kung tatanggi akong sundin ang mga plano sa paggamot o rekomendasyon.
  • Magtanong tungkol sa aking medikal na kundisyon at tiyakin na naiintindihan ko ang mga pagpapaliwanag at tagubilin na ibinibigay sa akin.
  • Magtakda ng mga medikal na appointment at puntahan ang mga ito at abisuhan ang aking doktor nang maaga kapag kailangan kong magkansela.
  • Makipag-usap nang tapat sa aking doktor upang magkaroon kami ng matibay na samahan batay sa tiwala at pagtutulungan.
  • Magbigyan ng mga suhestyon upang mapahusay ang SFHP.
  • Tulungan ang SFHP na magpanatili ng tumpak at mga pinakabagong medikal na rekord sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahong impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa address, katayuan ng pamilya, at iba pang sakla ng planong pangkalusugan.
  • Abisuhan ang SFHP sa lalong madaling panahon kung siningil ako nang hindi naaangkop o kung mayroon akong anumang reklamo.
  • Itrato ang lahat ng tauhan ng SFHP at propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan nang may respeto at paggalang.
  • Alinsunod sa kinakailangan ng Healthy Workers HMO program, bayaran sa tamang oras ang anumang premium, co-payment at bayarin para sa mga serbisyong hindi saklaw.
×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.