1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Mga Serbisyo sa Komunidad para sa Nasa Hustong Gulang (Community-Based Adult Services o CBAS)

Ang Mga Serbisyo sa Komunidad para sa Nasa Hustong Gulang (CBAS) ay isang programang pangkalusugang pang-araw para sa mga nakatatandang nasa hustong gulang at mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan. Tumutulong sa iyo ang CBAS na makakilos pa rin nang mag-isa at mamuhay nang ayon iyong kagustuhan. Maaari kang pumunta sa isang Sentro ng CBAS nang walang bayad para maiwasan ang pagpunta sa ospital sa hinaharap o ang pagkakalagay sa isang nursing home.

Makipag-usap sa iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) para magsimula sa CBAS. Maaari kang i-refer ng iyong PCP sa Sentro ng CBAS na pipiliin mo at gumagamit ng iyong wika. Maghanap ng Sentro ng CBAS sa pamamagitan ng Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, TTY 1(888) 883-7347.

Mga Madalas Itanong sa Mga Serbisyo sa Komunidad para sa Nasa Hustong Gulang (Community-Based Adult Services o CBAS)

Pakibasa ang mga tanong at sagot sa ibaba para matuto pa tungkol sa programang CBAS.

Ano ang programang Mga Serbisyo sa Komunidad para sa Nasa Hustong Gulang (CBAS)?

Nagbibigay sa iyo ang CBAS ng mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa isang lokal na sentro ng komunidad. Nangangahulugan ito na maaari kang manatili kung saan ka nakatira, at hindi mo kailangang lumipat sa isang nursing home.

Anong mga serbisyo ang makukuha ko?

Kabilang sa CBAS ang:

  • Mga serbisyo ng pag-aalaga — para obserbahan at subaybayan ang iyong kalusugan at mga gamot, at pangasiwaan ang iyong personal na pangangalaga
  • Personal na pangangalaga/mga serbisyong panlipunan — para tulungan ka sa hygiene at iba pang pang-araw-araw na gawain
  • Physical therapy, speech therapy, at occupational therapy
  • Mga panlibangan at pang-therapy na aktibidad – kabilang dito ang sining, mga laro, mga panggrupong paglalakad, at higit pa
  • Serbisyo sa pagkain — para maghain sa iyo ng kahit isang pagkain bawat araw sa sentro
  • Transportasyon — papunta at mula sa sentro ng CBAS, kung kinakailangan
Sino ang kwalipikado para sa CBAS?

Para maging kwalipikado para sa CBAS, dapat kang:

  • Maging miyembro ng SFHP
  • Maging 18 taong gulang o mas matanda
  • May problema sa katawan, pag-uugali, o alaala
  • Mangailangang tumira sa isang pasilidad para sa pangmatagalang pangangalaga kung hindi ka makakakuha ka ng mga serbisyo ng CBAS
Paano ako makakatanggap ng CBAS?

Gusto naming tiyakin na makukuha mo ang mga serbisyong kwalipikado para sa iyo at na mayroon kami ng lahat ng impormasyon tungkol sa iyong kalusugan. Ipinapaliwanag ng mga hakbang sa ibaba kung paano kami nagpapasya kung kwalipikado ka para sa CBAS:

  1. Makipag-usap sa iyong doktor o tumawag sa departamento ng Serbisyo sa Customer ng SFHP.
  2. Mag-iiskedyul ng personal na meeting sa isang nars para malaman kung kwalipikado ka para sa CBAS. Nakikipagtulungan ang SFHP sa mga nars mula sa Institute on Aging (IOA)..
Paano kung hindi ako kwalipikado para sa CBAS?

Kung hindi ka kwalipikado para sa CBAS, makikipagtulungan sa iyo ang aming mga tauhan sa pamamahala ng kaso para maghanap ng mga serbisyo sa komunidad na makakatugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.

Kailangan ko bang magbayad para sa CBAS?

Hindi, ang mga serbisyo ng CBAS ay sinasaklaw ng SFHP.

Maaari ba akong patuloy na magpatingin sa aking provider sa Medicare kung makakatanggap ako ng CBAS mula sa SFHP?

Oo. Kung mayroon ka ng Medicare at Medi-Cal, maaari kang patuloy na magpatingin sa iyong mga provider ng Medicare habang tumatanggap ng CBAS mula sa SFHP.

Bayview Hunters Point Adult Day Health Center

1250 La Salle Avenue, San Francisco, CA 94124
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 826-4774

bhpmss.org

Circle of Friends

1462 Pine Street, San Francisco, CA 94109
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 614-2233

Golden State CBAS

738 La Playa Street, San Francisco, CA 94121
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 387-2750

goldenstatecbas.com

L’Chaim Adult Day Health Center

2534 Judah Street, San Francisco, CA 94122
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 449-2900

jfcs.org

Self-Help for the Elderly

408 22nd Avenue, San Francisco, CA 94121
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 677-7556

selfhelpelderly.org

SteppingStone – Golden Gate Day Health

350 Golden Gate Avenue, San Francisco, CA 94102
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 359-9210

steppingstonehealth.org

SteppingStone – Mabini Day Health

55 Mabini Street, San Francisco, CA 94107
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 882-7301

steppingstonehealth.org

SteppingStone – Mission Creek Day Health

930 4th Street, San Francisco, CA 94158
Kumuha ng mga direksyon

1(415) 974-6784

steppingstonehealth.org

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.