Mga Serbisyo ng Doula
Simula sa Enero 1, 2023, ang mga serbisyo ng doula ay magiging sinasaklaw na benepisyo ng Medi-Cal. Maaari ka na ngayong kumuha ng suporta mula sa isang doula (nagpapaanak) nang walang bayad. Ang mga serbisyo ng doula ay para sa mga prenatal (bago ang panganganak) at postpartum (pagkatapos ng pagbubuntis) na pagpapatingin. Maaari kang magkaroon ng doula sa mga pagpapatingin sa labor at panganganak, pagkakakunan, o pagpapalaglag.
Maaari kang magkaroon ng doula sa anumang lugar tulad ng:
Bahay mo
Pagpapatingin sa isang tanggapan
Isang ospital
Sentrong paanakan
Matutulungan ka ng mga doula na:
- Pag-usapan ang iyong pangangalagang pangkalusugan kasama ang iyong mga provider
- Makakuha ng edukasyong pangkalusugan
- Makakuha ng pisikal, emosyonal, at iba pang suportang hindi medikal
Anong mga serbisyo ng doula ang sinasaklaw?
- Unang checkup (1 pagpapatingin)
- Hanggang 8 pang pagpapatingin bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng pagbubuntis
- Suporta sa panahon ng labor at panganganak, panganganak ng patay na sanggol, pagpapalaglag, o pagkakakunan
- Hanggang 2 hanay ng 3 oras na pagpapatingin pagkatapos ng isang pagbubuntis
Makakakuha ka lang ng mga serbisyo ng doula sa panahon ng:
- Pagbubuntis
- Labor at panganganak, kabilang ang panganganak ng patay na sanggol
- Pagkakakunan
- Pagpapalaglag
- Sa loob ng 1 taon pagkatapos ng iyong pagbubuntis
Mga Madalas na Itanong
Mga Serbisyo ng Doula
Maaari kang direktang makipag-ugnayan sa doula ng SFHP para sa pangangalaga.
Para makahanap ng doula ng SFHP, maghanap sa Direktoryo ng Provider. Sundin ang mga hakbang na ito:
- Pindutin muna ang button na “Maghanap” sa itaas ng page.
- Susunod, piliin ang “Kategorya ng Provider” sa drop-down na menu sa kanang bahagi ng screen.
- Piliin ang “Doula” mula sa drop-down na menu. Pindutin ang “maghanap” para mahanap ang aming listahan ng mga doula ng SFHP.
Nilalayon ng SFHP na magkaroon ng malawak na grupo ng mga doula na makakapagsalamin ng iyong kultura at makakapagbigay ng iyong mga pangangailangan.
Oo. Maaaring magturo ang mga doula ng mga klase sa mga miyembro nang walang.
- Pagbebenda ng tiyan (tradisyonal/seremonyal)
- Mga seremonya ng panganganak (hal.,. pagselyo, pagsasara ng mga buto, atbp.)
- Pag-diagnose ng medikal na kondisyon
- Mga panggrupong klase sa pagbubuhat ng iyong sanggol
- Pagmamasahe
- Mga larawan
- Pagbibigay ng medikal na payo
- Paggawa ng mga pill mula sa placenta
- Pamimili
- Mga pagpapa-steam ng vagina
- Yoga
- O anumang uri ng pagtatasa, eksaminasyon, o pamamaraan sa kalusugan
Doulas cannot give more services that are already covered by Medi-Cal. Your Primary Care Provider* (PCP), midwife, obstetrician (pregnancy doctor) may give you more services. Or they can refer you to a provider who can offer you more services. This may include, but is not limited to:
Hindi makakapagbigay ang mga doula ng higit pang serbisyo na nasasaklawan na ng Medi-Cal. Maaari kang mabigyan ng iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga* ( Primary Care Provider o PCP), kumadrona, obstetrician (doktor sa pagbubuntis) ng higit pang serbisyo. O maaari ka nilang i-refer sa isang provider na makakapagbigay sa iyo ng higit pang serbisyo. Maaaring kabilang dito ang, pero hindi limitado sa:
- Mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali
- Pagbebenda ng tiyan pagkatapos ng cesarean section (c-section) ng isang health worker
- Pamamahala ng kaso
- Mga panggrupong klase sa edukasyon sa panganganak
- Edukasyong pangkalusugan
- Hypnotherapy
- Suporta sa paggagatas, mga panggrupong klase, at supply
- Suporta sa nutrisyon
- Transportasyon
- Mga serbisyong Mga Suportang Pangkomunidad
*Ang iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga (PCP) ay ang iyong doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Access sa Doula
Makikipagtulungan ang SFHP sa iyo at sa aming mga doktor at kumadrona para matiyak na walang paghihigpit sa pagtanggap mo ng suportang kailangan mo mula sa iyong doula sa ospital o tanggapan ng doktor.
Hindi, dapat kang makipagtulungan sa isang doula na ka-partner ng San Francisco Health Plan. Maaari mong hanapin ang aming online Direktoryo ng Provider sa sfhp.org para tingnan ang aming mga doula
Tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa
Gastusin at Mga Serbisyo ng Interpreter
Hindi, ibinibigay ang lahat ng serbisyo nang walang bayad sa mga miyembro ng Medi-Cal.
Oo. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong doula para magsaayos ng interpreter sa iyong mga appointment. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Serbisyo ng Customer Services sa
Pagiging Kwalipikado ng Miyembro
Maaari kang makakuha ng doula kung mayroon kang SFHP Medi-Cal at buntis ka ngayon o buntis ka sa nakalipas na taon. Ang doula care ay para sa sinumang taong nagpapalaglag, nakunan, nakakaranas ng panganganak ng patay na sanggol, o nakakaranas ng live birth.
Hindi, hindi mo kailangan ng isang nakasulat na rekomendasyon mula sa isang provider.
Maaari kang makakuha ng 1 pagpapatingin sa doula bawat araw. Maaari ka lang magkaroon ng 1 pagpapatingin sa doula sa bawat pagkakataon maliban kung ito ay habang nagle-labor at nanganganak. Sa araw ng labor at panganganak, maaari ring magbigay ng 1 prenatal (bago ang panganganak) na pagpapatingin o 1 postpartum (pagkatapos ng panganganak) na pagpapatingin. Ang pagpapatinging ito ay maaaring para sa panganganak ng patay na sanggol, pagpapalaglag, o pagkakakunan. Maaari ring ibigay ng ibang doula ang pagpapatinging ito.
Maaari ka lang magkaroon ng 1 doula sa bawat pagkakataon para sa bawat serbisyo. Pero maaari kang magkaroon ng mahigit 1 doula na magbibigay sa iyo ng suporta sa iba’t ibang yugto ng panganganak. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng 1 doula na nagbibigay sa iyo ng suporta sa panahon ng iyong pagbubuntis at isa pang doula na nagbibigay ng suporta sa panahon ng labor at panganganak, o pagkatapos ng panganganak. Dapat ka-partner ng SFHP ang bawat doula.