1(415) 547-7800 Makipag-ugnayan sa Amin

Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo

Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga (Enhanced Care Management, ECM)

Maaari kang makakuha ng bagong benepisyong tinatawag na Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga.
Ang Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga ay para sa mga miyembro ng Medi-Cal na:

  • Maraming beses nang dinala sa Emergency Room o sa ospital
  • Nangangailangan ng tulong sa pabahay
  • Nangangailangan ng tulong sa kalusugan ng pag-iisip o paggamit ng droga o pag-inom ng alak
  • Mga nasa hustong gulang na nakatira sa komunidad na maaaring nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga
  • Mga nasa hustong gulang na nakatira sa isang nursing home na nais manirahan sa komunidad
  • Mga bata at kabataang naging bahagi ng foster na pangangalaga
  • Mga bata at kabataang may iba pang kumplikadong pangangailangan
  • May alinman sa mga pangangailangang ito at na-diagnose na may intelektwal na kapansanan o kapansanan sa paglaki
  • May alinman sa mga pangangailangang ito at buntis o nasa postpartum
  • Ang mga adulto at kabataan na lumilipat mula sa pagkakakulong
  • Isang buntis o indibidwal na nanganak na nanganganib sa masamang perinatal na resulta at napapailalim sa hindi patas na pagtrato dahil sa lahi at etniko

Matutulungan ka ng Pinahusay na Pamamahala ng Pangangalaga na:

  • Pabutihin ang iyong kalusugan
  • Pamahalaan ang iyong mga kondisyon sa kalusugan
  • Sumagot ng mga tanong tungkol sa iyong gamot
  • Makipagtulungan sa iyong mga provider
  • Humanap ng pagkain, masasakyan, pabahay, o iba pang serbisyo
  • Kumonekta sa pangangalaga sa komunidad na makakatulong sa iyo at sa iyong sistema ng suporta

Kung gusto mong malaman kung maaari kang kumuha ng ECM nang walang bayad, pakitawagan ang Care Management Intake line ng SFHP sa 1(415) 615-4501.

Mga Madalas Itanong (Frequently Asked Questions, FAQ)

Para sa Mga Miyembro na Interesado sa Mga Serbisyo sa Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga (ECM)

Ang Pinahusay na Pamamahala sa Pangangalaga (ECM) ay bagong benepisyo sa Medi-Cal na nag-aalok ng mga karagdagang serbisyo sa pamamahala sa pangangalaga nang walang bayad sa mga miyembro na may mga kumplikadong pangangailangan at gustong pabutihin ang kanilang kalusugan.

Kung kwalipikado ka, nagbibigay ang ECM ng mga serbisyo sa koordinasyon ng pangangalaga. Nagbibigay ang ECM ng mga serbisyo sa koordinasyon ng pangangalaga kasama ng access sa tagapamahala ng pangangalaga na tutulong sa iyo at sa iyong sistema ng suporta na makuha ang pangangalagang kailangan mo. Ang iyong tagapamahala ng pangangalaga ay makikipagtulungan sa iyo na mag-set up ng plano sa pangangalaga, makikipag-coordinate sa iyong mga provider, at mag-aalok ng dagdag na suporta. Maaaring makatulong ang iyong tagapamahala ng pangangalaga sa mga bagay tulad ng:

  • Pagtulong sa iyo na makamit ang iyong mga layunin sa kalusugan
  • Paghahanap ng mga provider at pagpapa-appointment
  • Pagpapanatili sa lahat ng iyong provider na updated tungkol sa iyong mga pangangailangan at kagustuhan sa kalusugan
  • Pag-unawa sa iyong mga gamot at pagkuha ng mga refill
  • Pagkonekta sa iyo sa mga serbisyong pangkomunidad at panlipunan na kailangan mo (tulad ng pagkain at suporta sa bahay)

Upang makakuha ng ECM, kailangang (1) nakatala ka sa planong pangkalusugan ng Medi-Cal at (2) natutugunan mo ang mga partikular na kinakailangan sa pagiging kwalipikado.
Kung nalalapat sa iyo ang alinman sa ibaba, maaaring makakuha ka ng ECM. Maaaring kumuha ng ECM ang mga bata, kabataan, at nasa hustong gulang.

  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang, bata/kabataan, o pamilya kayo at walang maayos na pabahay sa ngayon
  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang at may mga malalang isyu sa kalusugan at kinailangan mong pumunta sa ospital o departamento ng emergency nang maraming beses sa nakalipas na anim na buwan
  • Kung ikaw ay bata/kabataan at may mga malalang isyu sa kalusugan at kinailangan mong pumunta sa ospital o departamento ng emergency nang maraming beses sa nakalipas na 12 na buwan
  • Kung ikaw ay nasa hustong gulang o bata/kabataan at may seryosong kundisyon sa kalusugan ng isip o may problema sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak
  • Kung isa kang nasa hustong gulang na nakatira sa komunidad na maaaring nangangailangan ng pangmatagalang pangangalaga
  • Kung isa kang nasa hustong gulang na nakatira sa isang nursing home na nais manirahan sa komunidad m
  • Kung ikaw ay isang bata/kabataan na may mga kumplikadong pangangailangan
  • Kung ikaw ay isang bata/kabataan na naging bahagi ng sistema ng pag-foster
  • May alinman sa mga pangangailangang ito at na-diagnose na may intelektwal na kapansanan o kapansanan sa paglaki
  • May alinman sa mga pangangailangang ito at buntis o nasa postpartum
  • Kung ikaw ay isang adulto o bata/kabataan na kalalabas kamakailan lamang mula sa pagkabilanggo
  • Isa kang buntis o na nanganak, at nanganganganib sa masamang perinatal na resulta, at napapailalim sa hindi patas na pagtrato dahil sa lahi at etniko

Upang malaman ang higit pa tungkol sa ECM at makita kung kwalipikado ka, maaari mong kausapin ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga* (primary care provider, PCP) o planong pangkalusugan ng Medi-Cal.
Maaari ka ring tawagan ng iyong PCP o planong pangkalusugan ng Medi-Cal kung sa tingin nila ay maaaring kwalipikado ka.

Hindi mababago o babawiin ang mga serbisyo ng Medi-Cal na natatanggap mo ngayon. Makakapagpatingin ka pa rin sa mga parehong provider.

Kung kwalipikado ka para sa ECM, ikaw ang magpapasya kung kukunin mo ang mga serbisyong iyon.

Dapay ay nakatala ka sa isang planong pangkalusugan ng Medi-Cal upang ma-access ang mga serbisyo sa ECM . Kung kailangan mo ng tulong sa pagpapatala sa isang planong pangkalusugan ng Medi-Cal, maaari kang tumawag sa Health Care Options sa 1(800) 430-4263 or TTY 1(800) 430-7077. o sa pamamagitan ng pagpunta sa www.healthcareoptions.dhcs.ca.gov para sa karagdagang impormasyon.

Maaari kang makakuha ng ECM nang walang bayad bilang bahagi ng iyong mga benepisyo sa Medi-Cal.

Kung magpapatala ka sa ECM, maaari kang patuloy na magpatingin sa parehong mga provider. Nag-aalok ang ECM ng dagdag na suporta at koordinasyon sa iyong mga kasalukuyang doktor at provider.

Noong Enero 1, 2022, kwalipikadong tumanggap ng mga serbisyo ng ECM ang mga kwalipikadong miyembro. Sa Enero 2024, mas maraming tao ang magiging kwalipikado para sa ECM. Upang malaman kung kwalipikado ka, maaari mong kausapin ang iyong PCP o planong pangkalusugan ng Medi-Cal. Upang mahanap ang numero ng telepono ng iyong planong pangkalusugan ng Medi-Cal, tingnan ang iyong Medi-Cal ID Card o bisitahin ang CA.gov at i-click ang iyong county.

Maaari ka ring tawagan ng iyong PCP o planong pangkalusugan ng Medi-Cal kung nakikita nilang maaaring kwalipikado ka.

Upang matuto pa tungkol sa ECM, maaari mong kausapin ang iyong PCP o planong pangkalusugan ng Medi-Cal. Maaari kang tumawag sa SFHP sa 1(800) 288-5555 o TTY 1(888) 883-7347.

*Ang iyong provider ng pangunahing pangangalaga (PCP) ay ang doktor, assistant ng doktor, o nurse practitioner na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.

×

Patakaran sa Cookies

Gumagamit kami ng cookies at iba pang tool upang gawing mas madaling gamitin ang aming website.