Mga Serbisyo sa Transitional na Pangangalaga
Ang mga miyembro ng SFHP ay maaaring kwalipikado para sa Mga Serbisyo ng Transitional na Pangangalaga (Transitional Care Services, TCS). Ang TCS ay para sa mga miyembro na lumilipat mula sa isang setting o antas ng pangangalaga patungo sa isa pa at nangangailangan ng tulong pagkatapos nilang ma-discharge mula sa ospital, institusyon, iba pang pasilidad ng pangangalaga para sa malubhang kundisyon, at pasilidad ng skilled nursing patungo sa bahay o setting na nasa komunidad, mga placement sa Mga Suporta sa Komunidad (kabilang ang mga Sobering Center, Pangangalaga para sa Pagpapagaling, at Pansamantalang Pangangalaga Pagkatapos Maospital), mga pasilidad pagkatapos ng pangangalaga para sa malubhang kundisyon, o mga setting ng pangmatagalang pangangalaga (long-term care, LTC).
Ang TCS ay makakatulong sa iyong:
- Suriin ang mga tagubilin sa pag-discharge sa iyo at tulungan kang makakuha ng mga sagot mula sa mga tamang tao.
- Iiskedyul ang iyong mga pagbisita para sa pangangalaga pagkatapos mong ma-discharge.
- Maghanap ng lisensyadong clinician na makakatulong sa iyo sa mga gamot pagkatapos mong ma-discharge.
- Magbigay ng mga referral sa komunidad.
- Kumuha ng masasakyan papunta sa iyong mga medikal na pagbisita.
- Pamahalaan ang iyong mga provider.
- Alamin kung ano pang mga programa sa Pamamahala ng Pangangalaga ang maaari mong makuha.
Upang malaman ang higit pa tungkol sa TCS, mangyaring tumawag sa Intake line ng TCS ng SFHP sa 1(415) 615-4550, Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.
Para sa higit pang impormasyon, tumawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa 1(415) 547-7800, 1(800) 288-5555 (toll-free) o 1(888) 883-7347 (TTY), Lunes – Biyernes, mula 8:30am – 5:30pm.