Mga ID Card
Nag-iisyu ang San Francisco Health Plan ng ID card sa bawat miyembro. Kapag natanggap mo na ang iyong member ID card, suriin ang lahat ng impormasyon upang tiyaking tama ang mga ito. Maaaring ipadala sa iyo ang isang bagong ID card nang wala kang babayaran kung:
1. May anumang impormasyon na mali
2. Nawala o nanakaw ang iyong card
3. Nagpalit ka ng iyong Provider ng Pangunahing Pangangalaga
4. Nagbago ang iyong address o iba pang impormasyon
Upang humiling ng bagong Member ID Card, tumawag sa aming Pangkat ng Serbisyo sa Customer sa 1(800) 288-5555, Lunes-Biyernes, 8:30am – 5:30pm.
Maaari ka ring humiling ng bagong ID card online sa pamamagitan ng pagpaparehistro SFHP Portal ng Miyembro.
Bukod pa sa iyong SFHP ID card, dapat ka ring magkarooon ng Beneficiary Identification card (BIC) o Medi-Cal card mula sa Estado ng California. Maaaring kailanganin mong ipakita ang card na iyon upang makakuha ng ilang partikular na serbisyo. Tumawag sa 1(855) 355-5757 kung mayroon kang anumang tanong, o upang makakuha ng bagong BIC card.
Palaging dalhin ang iyong San Francisco Health Plan (SFHP) ID card at Medi-Cal BIC card. Huwag hayaan ang sinuman na gamitin ang iyong SFHP ID card o BIC card.
Medi-Cal BIC Card
“Poppy” na disenyo
Inisyu simula noong 2016
Medi-Cal BIC Card
“Blue and White” na disenyo
Inisyu bago ang Setyembre 2017