Pagiging Kwalipikado at Pagpapatala
Pagiging Kwalipikado
Upang makasali sa San Francisco Health Plan, dapat ay kwalipikado at nakatala ka sa isa sa aming mga programa sa saklaw pangkalusugan at bukod pa rito, nakatira ka sa San Francisco. Ang bawat programa ay may mga sarili nitong alituntunin sa pagiging kwalipikado. Ang programa kung saan ka maaaring maging kwalipikado ay depende sa kita ng sambahayan, laki ng pamilya, at edad.
Nagbibigay ang aming Pangkata sa Pagpapatala ng tulong sa aplikasyon para sa Medi-Cal. Upang malaman kung ikaw o ang miyembro ng iyong pamilya ay maaaring kwalipikado para sa isa sa mga programang ito, makipag-ugnayan sa amin upang makita kung aling programa ang naaangkop para sa iyo. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa aming Pangkat sa Pangkat sa Pagpapatala o sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(888) 558-5858, mula Lunes hanggang Biyernes, nang 8:30am hanggang 5:30pm.
Pagpapatala
Medi-Cal Ang Bukas na Pagpapatala ay bukas sa buong taon.
Tingnan kung kwalipikado ka o ang iyong anak.
Paano Mag-apply
Ang unang hakbang sa pagpapatala sa San Francisco Health Plan ay alamin kung kwalipikado ka o ang iyong anak para sa alinman sa aming mga programa. Upang alamin kung aling programa ang akma, magtatanong kami sa iyo ng ilang bagay tungkol sa kita ng pamilya, edad, paninirahan sa San Francisco, at sa ilang kaso, katayuan bilang estudyante o magulang.
Ang SFHP Service Center ay isang lugar kung saan ka maaaring pumunta upang kumuha ng impormasyon tungkol sa mga opsyon sa pag-access sa pangangalagang pangkalusugan para sa iyo at iyong pamilya. Available ang aming Pangkat sa Pagpapatala, sa pamamagitan ng appointment, upang magbigay ng tulong sa aplikasyon para sa Mga Programang Medi-Cal, Healthy San Francisco, at San Francisco City Option. Matuto pa tungkol sa aming Service Center.
Kwalipikado Ba Ako?
Maaari kang maging kwalipikado o ang iyong anak para sa isa sa aming mga programa kung nabibilang ka sa isa sa mga sumusunod na kategorya:
Medi-Cal 0 hanggang 19 na taong gulang (0-266% FPL) | Mga Nasa Hustong Gulang sa Medi-Cal (0-138% FPL) | |||
---|---|---|---|---|
Laki ng Pamilya | Buwanang Kabuuang Kita | |||
1 | Hanggang $3,232 | Hanggang $1,677 | ||
2 | Hanggang $4,374 | Hanggang $2,269 | ||
3 | Hanggang $5,512 | Hanggang $2,860 | ||
4 | Hanggang $6,650 | Hanggang $3,450 | ||
5 | Hanggang $7,792 | Hanggang $4,043 | ||
6 | Hanggang $8,930 | Hanggang $4,633 |
- Mayroon kaming ilang programa at matutulungan ka naming mahanap ang tamang programa
- Maaaring maging kwalipikado ang iyong mga anak kahit na hindi sila mga legal na residente
Kung sa palagay mo ay hindi ka kabilang sa isa sa mga kategoryang ito, o kung hindi ka sigurado kung kabilang ka, makipag-ugnayan sa aming Pangkat sa Pagpapatala sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(888) 558-5858 Lunes – Biyernes, nang 8:30am hanggang 5:30pm. Ang pagtatanong sa isang miyembro ng aming Pangkat sa Pagpapatala ang pinakamahusay na paraan upang tiyakin kung kwalipikado ka para sa isa sa aming mga programa sa saklaw sa pangangalagang pangkalusugan.
Simula sa ika-6 ng Hunyo, 2022, ang Service Center ng SFHP ay magiging bukas nang tatlong araw kada linggo para sa mga serbisyo sa personal na aplikasyon at pagpapatala. Available na ngayon ang mga appointment sa personal at sa pamamagitan ng telepono.
Maaari kang magtakda ng mga appointment para sa telepono at personal sa pamamagitan ng pagtawag sa Serbisyo sa Customer ng SFHP sa:
Telepono: 1(415) 777-9992 o 1(888) 558-5858
Available ang mga personal na appointment nang:
Martes at Huwebes 8:30am – 5:00pm
Miyerkules 8:30am – 4:00pm (magsasara ng 3:00pm tuwing ika-3 Miyerkules ng buwan)
Available ang mga appointment sa telepono nang:
Lunes hanggang Biyernes 8:30am – 5:00pm
Sabado 8:30am – 12:00pm