Iyong Mga Karapatan at Responsibilidad
Bilang miyembro ng SFHP Medi-Cal , may karapatan ka na:
- Magalang na itrato, nang may dignidad, anuman ang iyong kasarian, kultura, wika, hitsura, sekswal na oryentasyon, lahi, kapansanan, at kakayahan sa transportasyon, na nagbibigay ng nararapat na pagsasaalang-alang sa iyong karapatan sa pagkapribado at pangangailangang panatilihin ang pagiging kumpidensyal ng iyong medikal na impormasyon.
- Mabigyan ng impormasyon tungkol sa plano, aming mga serbisyo, kabilang ang Mga Saklaw na Serbisyo, aming mga practitioner at provider, at iyong mga karapatan at responsibilidad.
- Mabigyan ng impormasyon tungkol sa lahat ng serbisyong pangkalusugan na magagamit mo, kabilang ang isang malinaw na paliwanag kung paano makukuha ang mga ito.
- Makapili ng provider ng pangunahing pangangalaga sa loob ng network ng Contractor.
- Makilahok sa pagpapasya tungkol sa iyong sariling pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang karapatang tumanggi sa paggamot.
- Magkaroon ng tapat na pagtalakay sa mga opsyon sa naaangkop o medikal na kinakailangang paggamot para sa kanyang mga kundisyon, anuman ang gastos o sa benepisyo.
- Upang maghain ng mga reklamo o karaingan, nang pasalita o nakasulat, tungkol sa organisasyon o pangangalagang natanggap.
- Makatanggap ng koordinasyon ng pangangalaga.
- Maghain ng apela ng mga pagpapasyang tanggihan, ipagpaliban, o limitahan ang mga serbisyo o benepisyo.
- Makatanggap ng mga serbisyo sa pasalitang pagsasalin para sa kanyang wika.
- Makatanggap ng libreng legal na tulong sa iyong lokal na tanggapan ng legal na tulong o iba pang grupo.
- Bumuo ng mga paunang direktiba.
- Magkaroon ng access sa mga serbisyo sa pagpaplano ng pamilya, Federally Qualified Health Centers, Indian Health Service Facilities, mga serbisyo sa sexually transmitted disease, at Mga Pang-emergency na Serbisyo sa labas ng network ng Contractor alinsunod sa pederal na batas.
- Humiling ng Pagdinig ng Estado, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga sitwasyon kung saan posible ang pinabilis na pagdinig.
- Magkaroon ng access sa, at kung saan legal na naaangkop, makatanggap ng mga kopya ng, baguhin, o iwasto ang iyong Medikal n Rekord.
- Umalis sa pagkakatala kapag hiniling. Kasama sa, ngunit hindi limitado sa, mga benepisyaryo na maaaring humiling ng pinabilis na pag-alis sa pagkakatala, ang mga benepisyaryo na nakakatanggap ng mga serbisyo sa ilalim ng Foster Care, o Mga Programa ng Tulong sa Pag-ampon; at mga miyembrong may mga espesyal na pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
- Ma-access ang Mga Serbisyo sa Pahintulot ng Menor de Edad.
- Makatanggap ng mga nakasulat na materyal ng impormasyon para sa miyembro nang nasa mga alternatibong format (kabilang ang braille, malalaking print, at audio na format) kapag hiniling at nang napapanahon na naaangkop para sa format na hinihiling at alinsunod sa Kodigo ng W & I Seksyon 14182 (b)(12).
- Maging malaya sa anumang anyo ng pagpigil o pagbubukod na ginagamit bilang isang paraan ng pamimilit, pagdidisiplina, kaginhawahan, o paghihiganti.
- Makatanggap ng impormasyon sa mga available na opsyon at alternatibo sa paggamot, na ipinapakita sa paraang naaangkop sa iyong kundisyon at kakayahang makaunawa.
- Makatanggap ng kopya ng iyong mga medikal na rekord, at hilingin na baguhin o iwasto ang mga ito, gaya ng nakasaad sa 45 CFR §164.524 at 164.526.
- Kalayaang magamit ang mga karapatang ito nang hindi maaapektuhan kung paano ka itatrato ng Contractor, mga provider, o ng Estado.
- Magrekomenda tungkol sa aming patakaran sa mga karapatan at responsibilidad ng miyembro.
- Dapat ay walang bayad sa miyembro ang karapatan sa pasalitang pagsasalin.
Mga Responsibilidad ng Miyembro
Bilang miyembro ng SFHP Medi-Cal, may responsibilidad ka na:
- Basahin kaagad nang mabuti ang lahat ng materyal ng SFHP pagkatapos mong magpatala upang maunawaan mo kung paano gagamitin ang aking iyong mga benepisyo sa SFHP.
- Magtanong kapag kinakailangan.
- Sundin ang mga probisyon ng iyong membership sa SFHP gaya ng ipinapaliwanag sa Handbook na ito.
- Magkaroon ng pananagutan para sa iyong kalusugan, maunawaan ang iyong mga problema sa kalusugan, at lumahok sa pagbuo ng mga layunin sa paggamot na pinagkasunduan ng isa’t isa, sa antas na posible.
- Sundin ang mga plano sa paggamot na gagawin ng iyong doktor para sa iyo at pag-isipan at tanggapin ang mga posibleng kahihinatnan kung tatanggi kang sundin ang mga plano at rekomendasyon sa paggamot.
- Magtanong tungkol sa iyong medikal na kundisyon at tiyakin na nauunawaan mo ang mga paliwanag at tagubilin na ibibigay sa iyo.
- Magtakda ng mga medikal na appointment at puntahan ang mga ito, at ipaalam sa iyong ptovider nang maaga kapag kailangan mong magkansela.
- Makipag-usap nang tapat sa iyong provider upang magkaroon kayo ng matibay na samahan batay sa tiwala at pagtutulungan.
- Magbigay ng mga suhestyon upang mapahusay ang SFHP.
- Tulungan ang SFHP at iyong mga provider na magpanatili ng mga tumpak at pinakabagong medikal na rekord sa pamamagitan ng pagbibigay kaagad ng impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa address, katayuan ng pamilya, iba pang saklaw sa planong pangkalusugan, at impormasyong kinakailangan upang mabigyan ka ng pangangalaga.
- Abisuhan ang SFHP sa lalong madaling panahon kung siningil ka nang hindi naaangkop o kung mayroon kang anumang reklamo.
- Itrato ang lahat ng tauhan ng SFHP at propesyonal pangkalusugan nang may respeto at paggalang.
- Alinsunod sa kinakailangan ng Medi-Cal Program, bayaran sa tamang oras ang anumang premium, co-payment, at bayarin para sa mga serbisyong hindi saklaw.
- Maaari kang tumanggi, sa mga personal na dahilan, na tanggapin ang mga pamamaraan o paggamot na inirerekomenda ng iyong medikal na grupo o provider ng pangunahing pangangalaga. Kung tatanggi kang sundin ang isang inirerekomendang paggamot o
pamamaraan, ipapaalam sa iyo ng iyong medikal na grupo o provider ng pangunahing pangangalaga kung naniniwala siyang walang katanggap-tanggap na alternatibong paggamot. Maaari kang humingi ng pangalawang opinyon gaya ng nakasaad sa Handbook na ito. Kung tatanggi ka pa rin sa inirerekomendang paggamot o pamamaraan, walang karagdagang responsibilidad ang SFHP upang magbigay ng anumang alternatibong paggamot o pamamaraan na hinihingi mo. - Gamitin ang iyong mga ID card nang maayos. Dalhin ang iyong SFHP ID card, isang ID na may larawan, at iyong Medi-Cal ID card kapag pumunta ka para sa pangangalaga.
- Sabihin sa amin kung tumatanggap ka ng pangangalaga sa isang pasilidad/provider na walang kontrata sa SFHP.
- Kung nangangailangan ka ng tagapagsalin, dapat kang humiling ng tagapagsalin nang maaga bago ang iyong appointment.