Ang reproductive health ay isang pangangalagang nakatuon sa iyong sekswal na kapakanan. Maaaring mangahulugan ito ng pagkakaroon ng ligtas na pakikipagtalik, pagsusuri, at paggamot para sa mga impeksyong nakukuha sa pakikipagtalik (mga STI), pagpaplano ng pamilya, at pagtanggap ng pangangalaga bago at pagkatapos ng pagbubuntis.
Bakit mahalaga ang reproductive health?
Kapag inalagaan ang iyong reproductive health, matutulungan ka nitong gumawa ng maiinam na pagpili. Matutulungan ka nitong protektahan ang sarili mo at ang iyong mga mahal sa buhay.
Iba't ibang Uri ng Pangangalaga
Maaaring makatanggap ang mga miyembro ng SFHP ng pangangalaga para sa sekswal na kalusugan, pagpaplano ng pamilya, at kalusugan ng ina.
Ang Sekswal na Kalusugan ay tungkol sa pagkakaroon ng pagtatalik na ligtas at nakabubuti sa kalusugan batay sa iyong kagustuhan. Nag-aalok ang SFHP ng sekswal na pangangalagang pangkalusugan, gaya ng:
Screening at paggamot para sa kanser sa suso at cervix
Doxycycline para sa Pag-iwas sa STI (DoxyPEP)
HIV Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP) at Post-Exposure Prophylaxis (PEP)
Pag-iwas at pagsusuri para sa HIV/AIDS
Mga bakuna (HPV, Hepatitis B, atbp.)
Tungkol din ang Sekswal na Kalusugan sa pag-alam ng iyong kalagayan para sa mga STI. Nakatutulong itong mapigilan ang pagkalat sa ibang tao. Makipag-ugnayan sa iyong doktor ng pangunahing pangangalaga* (Primary care doctor, PCP) para malaman kung paano mapipigilan ang pagkalat ng mga STI. Maaari mo ring bisitahin ang cdc.gov para tingnan kung anong mga pagsusuri para sa STI ang angkop para sa sa iyo.
*Ang iyong PCP ay ang doktor, katulong ng doktor, o practitioner na nurse na nangangasiwa sa iyong pangangalagang pangkalusugan.
Makatutulong sa iyo ang Pagpaplano ng Pamilya na mapagpasyahan kung kailan ka magkakaroon o hindi magkakaroon ng anak. Kabilang sa mga saklaw na serbisyo ang:
Pagpapayo
Pagsusuri at suporta sa pagbubuntis
Pagpapatali
Makipag-ugnayan sa iyong PCP o OB-GYN tungkol sa iba't ibang paraan ng pagkontrol sa pagbubuntis. Maghanap ng Doktor
Kalusugan ng Ina
Pangangalaga ng OB-GYN
Kapag buntis ka, mahalagang magpatingin sa OB-GYN para matiyak na lumalaki ang iyong sanggol gaya ng inaasahan. Maghanap ng OB-GYN.
Suporta sa panganganak mula sa doula
Ang doula ay isang taong nagpapaanak na makatutulong sa iyo bago, habang, at pagkatapos ng pagbubuntis. Makatutulong ang pagkakaroon ng pangangalaga mula sa doula na mapabuti ang kalalabasan ng iyong pagbubuntis. Matuto pa tungkol sa Mga Serbisyo mula sa .
Karagdagang suporta
Ang Mga Health Worker sa Komunidad (Community Health Workers, CHW) ay mga taong kapareho mo ng kultura, kondisyon ng kalusugan, o nagdaan na rin sa parehong karanasan gaya mo. Matuto pa tungkol sa Mga Serbisyo ng Health Worker sa Komunidad.
Ang Iyong Privacy
Laging pribado at walang bayad para sa mga miyembro ng SFHP ang pangangalaga sa reproductive health. Nangangahulugan itong:
- Hindi mo kailangan ng referral o paunang pag-apruba mula sa isang doktor.
- Hindi kinakailangang nasa network ng SFHP ang pupuntahan mong doktor o health center ng Medi-Cal.
- Hindi namin ibabahagi ang iyong pribadong data sa kalusugan.
Kung wala ka pang 18 taong gulang, maaari mo pa ring matanggap ang pangangalagang ito nang walang pag-aalala. Hindi mo kailangan ng pahintulot ng magulang o tagapag-alaga.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga menor de edad sa isang tao nang pribado tungkol sa kanilang mga alalahanin sa kalusugan. Maaari mong tawagan ang 24/7 na Linya para sa Payo ng Nurse ng SFHP sa 1(877) 977-3397. O maaari mong gamitin ang Teladoc® para sa pagpapatingin sa pamamagitan ng telepono o video sa isang doktor sa 1(800) 835-2362 o nang online.
Matuto pa tungkol sa iyong mga saklaw na benepisyo sa Handbook ng Miyembro ng SFHP o bisitahin ang aming page na Mga Benepisyo at Saklaw na Serbisyo.